Friday, June 22, 2007

Magulang daw ako? Sabi ng Atih ko! Updated

Okay, okay, okay... Dito sa blog sa totoo lang ha nagka-anak ako bigla kahit wiz na matris ko 48 years ago... Kung sisilipin nyo ang iba kong entry tungkol sa mga ka cheneizang Innovative Tutor , Math Tutor o Reading chenalyn malalaman nyo. Pera yon eh kaya kahit pa magkunwari akong nag ma-macarena habang natulay ng alambre sa mga susunod na opps ko eh papatulan ko pa din yon! Eh pero hindi yong magulang o parent sa Inglis ang tinutukoy dito kung di magulang as in mandarambong o mandedengdoy daw ako sabi ni Chuva!

1. EZ pass clips - Naubusan sya minsan ng clips at ang orders nya mula sa mga suki eh nagdadagsaan at wala syang mahagilap ng nasabing clips dahil pati ang contact nya eh wala din, at pati na ang contact ng contact ng contact ng contact nya wala. (sa totoo lang ha 10 cents lang yang clip na yan! Umikot na kamo ng 10 beses kaya pagdating kay Chuva eh $2.50 na no! Tapos tutubuan pa nya ng mga $5.00 LOL.)

Girl, problemado ako... Magagalit na sa akin ang mga customers ko naman kasi wala akong maisend na EZ pass clips naubusan ang contact ng contact ng contact ng contact ko!

Wala na bang ibang mabibilan non?

Sa Pep Boys! Bibili nga ako bukas para lang hindi ako masira... Bibilin ko sya kahit na abunado pa ako! Wag lang mapahiya!

Gagah! Ano yan hanap patay??? Okay bawat problema eh may solusyon, [any problem isn't soluble given enough plastic bag. - Kung ano man ang ibig sabihin nya wag nyo akong tanungin, dahil hindi ko din alam!]

May solusyon ang problema mo! Ganito bumili ka sa PB's! Tapos wait mo ang EZ pass clips na ipapadala sayo ng contact ng contact ng contact ng contact ng contact mo... So may resibo ka diba dahil nag Viola ka?!$)^$. Ngayon ito na ang trick makinig ka! Bumalik ka ng PB's tapos isauli mo ang mga clip na bi-na-ola mo using clips na nakuha mo sa contact ng contact ng contact mo! Eh di WIN ka pa din!!!

Ugali kong mag shopping, kahit hindi sale bibilin ko sya wala akong paki kahit magkano pa! At pag sale na bibili ako kaparehas na kaparehas at isasauli ko sya sa lumang resibo kung saan ko sya binayaran ng buo! WAGI pa din ako!

2. Trip na trip kong nanunuod ng sine. I always get discounted tickets! Hindi po ako disable at lalong wala akong koneksyones sa loob, ang regular ticket is $9.75 at lagi akong nakakasave ng almost $3.00 o diba? Tapos hindi lang double yan kung hindi 5 pelikula po, crossover lang ako na parang daga tutal maliit lang naman ako eh ha ha ha!

Paano? Ganito lang yon. I don't pay cash since wala ako nyan! I pay credit card sa machine at viola ako ng senior tickets! O diba, mga tamad naman yang mga usher na yan kaya hindi na nila chi-ne-check basta bigay sabay lakad ng derecho lang - kung tanungin o masisita man ako, ang paliwanag "I NOT SPEAK ENGLISH!" o kaya naman "I NOT KNOW ANYTHING ABOUT COMPUTERS!" Yon nga lang medyo dyahe to pag kasama ko ang ka-date ko! Hahhhaaa haaa haaa... - Panalo diba?

3. Sa get laid naman, daming opurtunidad shempre isusulat ko muna diba bago ko i-publish dito, at pag nasulat ko na at kukunin ko na ang opurtunidad eh wala na agad. [Ako ang nagtanim, ako ang nagbayo sabay iba makikinabang? GrrrR$@$&&*)] May trick akong natutunan, punta akong get laid kuha ang mga oportunidad sabay compose at publish sabay save ulit as a draft! Tapos pag nasa mood na ako staka ko sya susulatin, ayaw ko kasi yong nag ru-rush lagi eh! O diba PANALO pa din!

4. Nalamang kong malaki pala ang refund ng mga magasawa! Tara atih pakasal na lang tayo para malaki ang angie natin pag end of the year! WAGI!

5. Ihulog mo ako sa hagdaan ng bahay mo. Kung wala akong bali pokpukin mo ng martilyo para lang mabali tapos i-claim natin sa insurance ng balay mo! Hati tayo! WIN WIN WIN WIN!

Ngayon sabihin nyo sa akin kung magulang ako! Hindi naman diba? Wais lang ako, mana kay Lumeng...

11 comments:

Admin said...

*abot ng Surf bar kay diwa*

o ayan ipukpok mo na sa ulo mo hehehe...

naaliw ako sa post mo ha...gusto ko yung tip mo about sa paggawa ng post at pag-save nito sa draft...

yung resibo exhange, di uubra yan sa pinas hehe...

diwata said...

Hi JC napadpad ka, kamusta na ba? Ay nako dito ubrang-ubra yan kahit pa binili ko 10 years ago pa basta may resibo ako makukuha ko pa din sya as a cash o kaya naman store credit lol.

Naalala ko si Lumeng surf ba sya? Sino yong babae sa bus tapos sabi nya ma-ta-mis ya-aaann...

Anonymous said...

aba diwa, pati pala ko chini-cheezmiz mo na rito. leche ka. kung hindi mo lang ako binigyan ng tip kung pano gugulangan ang business sa patola patatas at patane, hindi kita mapapatawad! ;)

aba, ang anak kong si JC nadalaw rito. buti pa ikaw dinadalaw ng anak ko. matapos kong palakihin, ni supot ng mane hindi ako madalhan. hu-hu-hu! Sana nung maliit pa lang, pinisil ko na ang ilong. hmmmp.

Anonymous said...

hello!

sorry po ngayon lang uli nakadalaw. nagkakaproblema palagi ang computer ko sa bahay. sayang nga ang internet line ko, babayaran ko sa isang buwan di ko naman magamit computer.

anyway, aba, updated pala ang lola diwa sa mga patalastas. tapos naalala pa niya yung matamis-ya-an hehehe.

@ inay chuva,
dumadalaw po kami ni jc sa mga blog ninyo kapag po may access kami sa computer. minsan lang po hindi kami nagpaparamdam. minsan po kasi shy kami eh. miss ka na po namin.

diwata said...

naalala ko si bulak at si jeniper lol. pati na si gusto yong baboy at baka he he he

Admin said...

uy di ako naligaw lang ha, lagi ko ino-open mga sites nyo basta nag-computer ako... :-)

yang commercial na yan ng bulak at jeniper ang pinaka-di ko malilimutan sus!

nye nagtampo naman ang inay ko o...dumadalaw po ako lagi sa bahay mo kasi gusto kong ma-update sa latest cheezmax hehehe...

itong si diwa, ang galing ng creativity ah hehehe...grabe naman kung 10yrs pwede pa receipt...eh dito kanina mo lang binili, pati manager kasama sa inspection nung item hehe... :-D

Vk-mahalkaayo said...

believe na talaga ako sa iyo....
hindi ka lang LAWYER,....Insurance advicer ka pala rin....hehheheh

super ang mga Tips and ADS mo rito ach....lol

believe ako sa mga ideas mo talaga....lol

gawa ko rin yon iba, alam mo ba?.....

kagaya ng can´t speak german, doesn´t have PC, wla kami nito or etc....lol...

pag may binili, hindi gusto or nasira ko, isauli ko or change it to another items...kahit ayaw ng asawa ko..punta talaga ako...see kung pwede....dala ko yon resibo na hindi Sale.....para malaki ang change....tanong pa si Info. sales yon price ba....sabi ko hindi....lol

nasira sa bahay? or sa ibang bahay,...gawin ng paraan, para mabayaran ng Insurance.....lol

hala maluka din ano?....bakit sila lang ba may alam..........lol
sorry po.......
thanks for sharing....

Vk-mahalkaayo said...

teka muna......
Nalamang kong malaki pala ang refund ng mga magasawa! Tara atih pakasal na lang tayo para malaki ang angie natin pag end of the year! WAGI!

opo, lalo na mabuntis si Inday....lol...

kaya pakasal kaagad, baka hindi mabayaran ang maternity leave at hospital bill ng Insurance....

tapos yon, kasal ngayon, divorce bukas......lol

sorry, uso ito dito....lol

Vk-mahalkaayo said...

ito pa....naku....sakit talaga ang tyan ko rito....maka uwi na nga, pero ito na lang ha?-..sorry,,,,kasi funny ang issue mo rito.....

5. Ihulog mo ako sa hagdaan ng bahay mo. Kung wala akong bali pokpukin mo ng martilyo para lang mabali tapos i-claim natin sa insurance ng balay mo! Hati tayo! WIN WIN WIN WIN!

hehehehehh, tawa talaga ako....naku, malapit ng tumulo yon tubig sa tyan ko.....heheheh

naala-ala ko itong story: kasama kong anak kong babae, galing sa party, gabi na kaming umuwi, siguro mga passed 1am na....naku takot na akong magdrive, gusto ko ng matulog sa Hostess ng party....pero umuwi talaga kami ng anak ko....

sa forest way...may lumabas na rabbit, mabuti na lang rabbit...hindi deer....nasagaan ko....ay sinagaan ko....patay siya....umiyak ang bata, sabi pa mama, you are very cruel, bakit sinagaan mo, bakit hindi ka huminto para maka daan ang rabbit....sabi ko pa, sorry anak kasi madilim hindi ko nakita.......
at mabuti siya ang patay kay sa tayo, at awto lang ang nasira, kaunti...

tinawagan nya ang tatay nya....see sabi pa ng Tatay,. pinatay mo ba, may dugo-blood ba ang awto...........hahahahahahah

para bayaran ng Insurance.....lol

sorry,,,,,,,,,,,,

diwata said...

ay naku mahirap ang buhay kailangan magtipid. magisip lagi kung paano ma-ka-ka-save ng angie! at hindi po pwedeng mabuntis si Inday! wala na po syang matris...

Vk-mahalkaayo said...

tama, sa hirap ng buhay ngayon, kailangan magtipid....

mas lalo na ka maka save kasi sira matres.....

sorry po..............lol