ganito na lang ba tayo?
Lecheng buhay to! Sa araw-araw na lang wala kaming ginawa kungdi mag away ng mag away ng mag away ng mag away ng mag away ng mag away... Walang katapusang bagsakan ng telepano. [May pakiramdam ako na kung di sya nagdadalang tao eh, may bisita sya o kaya naman eh menopausal na sya GrrrrR - ngit-ngit sa asar!] Ewan ko ba twing hindi kami magkasama ganito ng ganito lagi, parang ayaw ko na atang alamin kung paano kung kasama ko sya sa araw-araw diba? [Palibhasa pareho kaming nagaagawan sa korona, kung kanino man mapupunta.]
Madalas tinatawanan ko na lang, pero minsan nawawalan na din ako ng pasensya at nagiging mapag patol. [Tao lang ako no!] *Habang nakapamewang sabay nakahalukipkip ang mga kamay sa aking tiyan at dibdib*
Grabe ako mainitin ang ulo ko sobra talaga aminado ako jan. Pero pag dating sa kanya mas mainit ulo nya kompara sa akin (siguro dahil na din sa anghang ng mga kinakain nya diba? kaya atapang ainit aulo atao.) napakainit ng ulo grabeh! Kaya pag sya kasama/kausap ko eh kailangan medyo mellow ako dahil mas mainit sya. [Sya na lang lagi!]
Wala kaming matinong usap lalo na pag nagaaway kami. Laging bagsakan ng telepono! [Hindi ako ang nambabagsak sya okay.] I wish hindi cell ang gamit ko. Sana yong rotary (yong itim na mabigat na telepono pa noon panahon.) Eh di kung yon ang gamit ko eh sige bagsakan pala gusto mo ha? O yan! Ibigay ang hilig. [Masakit kasi sa tengga ang tunog ng rotary kapag nabagsakan ka, talaga namang lalabas ang tulok ng tenga mo.]
Naalala ko tuloy noong medyo bago - bago pa lang kami, nabagsakan ako... Sabi ko sa aking sarili ikaw nambagsak, pwes matuto kang tumawag pabalik! (Hindi ko tinawagan, baka mamihasa eh.)
Pagkalipas ng limang minuto... Nakikipag - hiwalay na... Dahil kamo bakit? Kasi wala na daw akong pakialam sa kanya dahil hindi ako tumawag pabalik! [GrrrrrR! Ang cute - cute mo talaga! Binagsakan mo ako tapos gusto mo pa palang makipagusap?] Ganun lang daw sya... Mapag hanap ng atensyon!)*%^$# May bipolar ka pala!
No comments:
Post a Comment