Wednesday, August 29, 2007

Manila's hungry, depressed and poor people

So last night was the first time me and my room mate had a bonding. Well were 2 busy individuals no... Even if were in the house we don't see each other often - hindi naman mansyon ang bahay namin... Busy lang kami... Sa pag-blo-blog parehas lol. So kagabi he invited me to smoke up in the 3rd floor... Aba nakalimutan kong may 3rd floor pala kami... Ang sarap diba? Yosi-yosi habang nood ng t.v?

We were watching Emergency. It is kind of depressing to see other Filipino's living that way... (Nangangalkal sa basura may mapangkain lang. Nanghuhuli ng hito ang mga batang 7 and even 5 years old maisalba lang ang gutom kahit pa magkasugat-sugat ng katawan nila.) Personally I don't like to see something like this... Sabi nga ng ka room mate ko masyadong depressing. Totoo! I feel guilty! Para bang ayaw ko na lang din kumain at damayan na lang sila

...There's this family who is living in Tondo, the family is composed of 7 people including the mom and dad, the father works as a scavenger, he would go to this mountain full of trash to look for old nails - pako hindi kuko! and scrap woods and sold it to a local junk shop - PHP15.00 ang kinita nya maghapon? Paano nya masusuportahan ang mag-anak nya sa ganitong kita? It was past 4 PM when they had their lunch. On the interview the dad said sometimes they even eat salt with rice. Kahit asin lang masarap na.

And on dinner time they had a can of Ligo Sardines paghahati-hatian nilang mag-anak yon. Naalala ko tuloy ng huli kaming nakakain ng sardinas, noong isang linggo! Apat na sardinas ang kinain namin, apat kaming kumain. Isipin nyo yon, yong kinain namin 4 na sardinas ilang pamilya ang pwede pa lang mabusog at mabigyan ng sustansya doon? Samantalang kami 4, 4 lang kaming lumapang nun. Hindi ba nakaka konsensya yon?

Chuva: Bakit kung sino pa ang mahirap, sila pa yong madaming magka-anak?

Me: Palibhasa kasi wala silang t.v sa bahay, kaya ayon dyug na lang ng dyug pag walang magawa, para lang may magawa. Nakakita ka na ba ng pamilya na nagmamay ari ng telebisyon set at sampu-sampu ang anak? Diba wala! Kasi may pinagkakalibangan sila!

After watching this family composed of 7 people having a feast with a can of Ligo, depression naman ang sumunod na topic. Mayroon umakyat ng billboard at tangkang pakamay dahilan sa wala daw syang tarbahu at tila nangungulila sya sa kanyang mag-ina. Meron namang isang lalaki na na feature din sa sobrang kalungkutan eh, pinagtatataga nya ang sarili nya sa kamat at braso - eh kung gusto rin lang pala nyang mamatay eh bakit hindi leeg nya ang tagain nya *Kamot-kamot ulo* at kung paminsan naman eh nakain sya ng kuryente - ganun na lang ba talaga kahirap sa Pinas? Ultimo kuryente nilalapang? Eh baka naman mas mura pa ang pagkain kesa sa kuryente?

Ayon sa aking re-search ito pala ang sintomas ng dipresyon... Depressed mood,*Malamang diba? Kaya ng tinawag na deprresion diba?*, Loss of interest or pleasure, Sleep changes, Psychomotor agitation or retardation, Fatigue or loss of energy, Self-loathing, Concentration problems, Irritability, Aches and pains and Appetite or weight changes *Chuva, girl hindi tayo depress malayo tayo sa depression!*

1 comment:

C5 said...

bat kami walang tv... :D

eto check mo:
http://ceefive.i.ph/blogs/ceefive/2007/08/31/the-ideal-filipina-in-the-heart-and-mind-of-a-filipina/

pag di gumana, eto:
Filipina.