Tuesday, August 7, 2007

ano ba yan!

Nako ano ba tong nangyayari sa aking bahay? Iba-ibang theme na... From dating naging skin care at online shopping waaaaaaahhh... Hindi ko na naaasikaso ang aking bahay, panay negosyo nalang ng negosyo ang naiisip ko.

Isa pa sa kung titignan nyo ang aking haligi... Ang dami pong basura pasenya na po! Siguro kailangan ko nang lumipat ng bahay. Pero paano? Wala pa akong sapat na ipon mula sa aking mga advertisers! He he he... Charing lang! Nakabili na nga po ako ng series 3 ng beemer sa pag-blo-blog lang po! LOL.

Busi-busihan talaga, sobra! Kung pwede nga lang hindi na matulog at magsulat na lang ginawa ko na po, alam nyo naman may pinag-aaral akong Doktor! Ang nakakatuwa pa, minsan napapanaginipan ko na ang pag-blo-blog walapong biro... Masama ba itong pangitain? Ibig bang sabihin nito eh adik na talaga ako? Kailangan ko na ba ang isang matindi at umaatikabong na intervention???

1 comment:

Vicki said...

hi diwata,

kumusta na,...
pag-open ko dito...nakita ko kaagad ito: Wedding.......then na off ang site mo....balik kaagad ako, baka ikaw na ang WEDDING::::::::::

ay, oo nga puro na lang ADS dito, wla na yon mga biro or mga lifestyle post mo...lol

ok, kahit na ADS or, Jobs or what, your Post ay mga interesting at pawala sa Stress sa buhay....totoo ito, hindi bot-bot....alam mo ba ito na words?....just ask me, kasi maraming meaning ito....lol

sigi, have a nice sunday, bisita lang ako, click at makibasa po...

bye and regards....