Wednesday, October 3, 2007

"Me and My heine"

I wanted to cry it out, but I can't. I wanted to let it all out... What really is inside me. I just don't know the right words to day it. I am confused! I don't know what I really want. Actually I maybe know but just pretending. Preneding not to care... Pretending to be so busy with all that non-sense stuff. I just have alot of excuses, like I need to go to the hair salon, to my dermatologist, study and see how pretensious I am... I have alot of excuses not to have a drama in my life.



We had a fight again last weekend. It is really shallow... Really! She left my place without a word from her mouth. [Inamo ko, pero ayaw nya... Ayaw ko nang ipilit ang gusto ko. *Kung ganyan ka bahala ka... Umalis ka ng magkaaway tayo* At kung iisipin hindi kami magkikita kinabukasan o sa makalawa o sa ikatlong araw na darating, dahil sa weekend lang kami nagsasama. Weekend na lang tayo nagkikita at nagsasama ganito pa? *Sabay buntong hininga* ]

I just take my time... I did not bother to call Whole of Monday I called her. *How come

Hinayaan kong lumipas ang maghapon ng Lunes at saka ako tumawag. *Bakit may ibang tao nakakayang magtiis?*

I was on the call waiting. She picked it up and all said only one thing (Can I call you back? Am talking to my friend!) Nak ng sampung tipaklong! Pinaboran ang kaibigan, samantalang may alitan tayo at hindi tayo nagusap ng halos 24 oras! BAKETTTTT? BAKETTT ganito? Nagdemanda ako, nagtatalak ako... Hindi naman over na talak... Inilabas ko lang nararamdaman ko na bakit inuuna mo pa ang kaibigan mo kaysa sa akin. May alitan tayo diba? Diba jowa comes first? Pero ako pa din ang mali. Ako pa din ang may sala. Sa mata nya wala na akong ginawang tama sa totoo lang.

Ewan ko, magulo ang sitwasyon namin. Mahirap espelengin! Sa twina na lang ang mali nya at imbes ako ang mairita at magalit na babaligtad! As in hindi ko alam kung bakit ganon. Natatabunan ang ginawa nya at nahahanapan ako lagi ng butas. Sa pakiramdam nya sya ang laging nagbibigay sa akin. Pero ang katunayan ako ang nagbibigay sa kanya. Ilang beses ko na syang binigyan ng pagkakataon. Sa isip nya sya ang nagbibigay sa akin lagi. Iba ang rasyonal nya. Ang huling mga katagang nabigkas nya eh - You never treated me good! Leche ka! Never treated you good? Paano ba kita tinatrato? Dahil ba sa madakdak ako? Yan ba ang dahilan kaya nya nasambit na "you never treated me good!"... (Ano ang gusto

Na mi-miss ko sya sobra. Hindi naman ganon kadali mawala ang nararamdaman para sa isang tao na mahal at minahal mo. May pinagsamahan naman kami, at kahit papaano may maganda kaming pinagsamahan kahit halos magsaksakan kami ng ispek sa twina he he he. Masasabi ko lang dito eh naging totoo ako sa sarili ko at sa nararamdaman ko. Minahal ko sya ng tunay at walang pagkukunwari. Hindi ko alam, siguro sa kanya isang iglap lang kalimutan ang lahat ng ito.
Sa akin lang kung talagang hiwalayan na ito ng tunay. Sana naman nakapagusap at nagkapaghiwalay kami ng maayos...

4 comments:

gabriela said...

Dear Diwa,

Nakakarelate ako ng husto sayo. At para naman damayan ka sa nararamdaman mo, gusto ko ibahagi ang aking kwento. Paghatian natin ang pighating namamahay sa puso mo. Hehehe. Nagsimula ang lahat nang makilala ko si J (J na naman!? Hindi kaya si Joy to? hehehe), mabait si J, sobra! Pero friends lang kami, pramis. Yung friendship, naging matatag, feeling ko nga, mas matatag pa kesa sa pinagsamahan namin ng jowa ko. Haha. Joke lang, syempre ibang level naman.

Diwa, may kasabihan tayo, "ang jowa napapalitan, ang kaibigan, HINDI". kaya wag mo nang awayin ang jowa mo, k? Baka mas importante sa kanya ang mga friends nya. Ganon talaga ang layf. Lech! Me kwenta ba yong pinagsasabi ko? Hehehe.

Eto seryus na ako, bigyan mo ng oras ang sarili mo. Walang perfect na relasyon eh. Nasa tao lahat 'yon. Bawasan mo rin ang masyadong pagtatalak, nakakarindi 'yon eh. Isang salita lang, dapat tama na. Kung hindi siya nakinig, bahala siya. Huwag mong pahirapan ang sarili mo. Kung ganyan ang pinapakita niya sa 'yo, eh di gayahin mo! siya lang ba may karapatan umastang ganyan? Kung galit sya, magalit ka rin! Pero pls lang, wag mong sapakin! HeheheTry mo rin ikutin ang table. Ngayon, pag di 'yan umubra, eh nangangahulugan lang na wala talaga! Diwa, kung mawawala sya sa 'yo, kahit anong gawin mo, mawawala sya...

Halika dito... tayo na lang dalawa magsama! Harharhar!

Nagmamahal,

Gabriela

diwatangbyaning said...

SALAWAHAN ka! I heat you! LOL.

Sinetch si J? JoyJoy o yong kabiyak?

"ang jowa napapalitan, ang kaibigan, HINDI". kaya wag mo nang awayin ang jowa mo, k? - alam ko yan. pero gabbie may alitan kami tapos yong kung sinong kurimao man yon pa ang pinapaboran...

Walang perfect na relasyon eh. Nasa tao lahat 'yon. Bawasan mo rin ang masyadong pagtatalak, nakakarindi 'yon eh. Isang salita lang, dapat tama na.- May tourette po ako. Nakapos sa gamot. Pero alam ko naman yan, madakdak lang talaga ako.

Pero pls lang, wag mong sapakin!-gusto ko na minsan upakan lol joke lang ha... baka nakikibasa si Joey. Hi Joey miz yah!

Diwa, kung mawawala sya sa 'yo, kahit anong gawin mo, mawawala sya...-korak koneichewa!

Halika dito... tayo na lang dalawa magsama! Harharhar!-AYAW KO!SALAWAHAN KA!

gabbie said...

diwa, engeng hugz! =)

diwata said...

ako dapat nanghihingi diba? leche ka talaga!