Desperate Housewives Issue...
Napaguusapan na lang naman din ito sa barrio siete oo doon kila Reyna Elena, nagbalik tuloy sa aking alala ang pagaaral ko noon sa Pinas.
Mag classmate kami ng aking girlfriend noon na ngayon eh naninirahan sa San Francisco [kamustana kaya yon? sana sumalangit nawa ang kaluluwa nya!Charing!]. Sa totoo lang hindi ako apektado nang malaman ko ang chismiss na ito sa numero unong chismosa dito sa barangay ginebra na si Chuva. Kibit balikat lang ako, ang dami ko nang iniisip no tapos dadagagan pa ng isyung yan? Pwede ba, ni hindi nga ako nanunuod ng mga desperadang babae na yan eh[he he he]! Totoo naman kasi na nangyayari ito sa Pinas, may katibayan ako. Hindi ko sinasabing walang o kulang sa kalidad ang edukasyon doon pero ang mga diploma at transkrip ay parang kendi lang nanabibili sa kanto.
Ang nakaraan...
Aminado akong tamad akong magaral noon, kaya naman ang mga ji-no-jowa ko eh kapwa kamagaral ko, para naman may jowa na ako may tutor na ako at may taga gawa na din ako ng takdang aralin. Kaya naman pagdating ng aming klaskard parehong pareho ang aming marka! Na akala mo eh si-ne-rox , INC - I-N-C na tumatagingting! Chem po ang aming kurso, Chemerse.
Diwata: Prof. Walangawa, bakit po INC ang marka ko? Lahat naman po ng takdang aralin, proyekto, at pagsubok at isama nyo na din ko na hindi ako pala-liban. Pero tila may kayo ng pagbigay sa akin ng marka INC...
Prof. Walangawa: Ahihihihh INC abrebasyon lang yan.
Diwata: [Kamut-kamut ulo]
Wa-swit: I-N-C ang hina mo naman diwata. I Need Cash yan no! Kulang daw kasi ang padulas natin.
Ganito ang labanan namin noon sa iskwelhan noon. Kaya naman talagang nangayayat ako kakabigay kay Sir ng Cash, isusubo ko na lang ang fishball na miryenda ko noon, tapos maaalala ko si Sir kaya ayon... Kay Sir na napunta lahat ng baon namin.
Ang nakaraan pa din...
Ilang credits na lang ako, alam ko at tapos na ako. At para makahanap ng magandang tarbahu dito sa Merika, tinawagan ko ang aking kaibigan at nanghingi ako ng tulong.
Diwata: May alam ka bang makukunan ng transkip jan at diploma?
Mapagmalasakit na Kaibigan: Anong gusto mo? Graduate ng RN? PT? Duktor? Kunduktor? Madali lang yan dito!!! Makakakuha tayo nyan! Yan lang pala, chicken feet!
Diwata: Nagulat ako ng biglang may dumating na sulat para sa akin mula sa Mapagmalasakit na Kaibigan ko, ang transkrip, diploma ko ay andito na! At may bonus pang... Masters Degree for an additional 50.00 Pesos daw!
Talagang nangyayari sya. Mali na kung mali ang ABC sa iskrip na yon, pero hindi kailagan mag amok no-at dumanak ang dugo... Walang himala! Mas maraming issue na kailangan harapin kaysa sa mga bagay-bagay na ganito...
2 comments:
I LOVE YOUR MUSIC!!!
Mas gusto ko rin yan version ni Mandy Moore kesa sa original na si Rihanna. Btw, yun ba yun INC? hehehe!
Post a Comment