Tuesday, October 23, 2007

Confused...

Continuation...

Ang dami kong isinasaloob sa ngayon, na tila hindi na ata makakawala sa dibdib ko. Masama ang loob ko sa totoo lang.

Nalala ko ang mga salitang nasabi sa akin ni Manat noon, (My last gf she studied Masters Degree, because I told her, if you are going to meet my parents at least you have to have a Master's Degree! At least you are higher than them!) Aray ko! Hindi ko na pinatulan pero sumama ang loob ko... Sobra, at sadyang kinimkim ko na lang ito sa aking sarili. Para kasi sa akin, kung mamahalin mo ako, mahalin mo ako kung ano man ako. Para sa akin wala akong kailangan patunayan kahit kanino pa man sayo man at sa ibang tao. PERIOOOD!!! Diba? Kuha nyo ba yong point? Gusto kong sabihin sa kanya, eh uto-uto pa lang ex mo... Naniwala sayo! ha ha ha... Parang ako diba? Bakit ba ako nasa eskwela ngayon? Diba dahil sa kanya? Hay naku, wala na lang sisihan, nageenjoy naman ako eh... Gandalicious ng nasa likod ko no ahhhiiiiihhhiiii...

Noong nakaraang araw ng Lingo na lumipas, nasabi ko na din sa wakas sa muka nya ang mga salitang, "I cannot be with you forever! One day were not going to be together anymore".... Hindi ako nagbibitiw ng mga ganyang salita, noon lamang. Sana lang kung ano man ang napagtatanto ko sa aking loob ay sana magtuloy-tuloy na. Suko na ako, taas kamay na ako isali mo na din ang paa!

Bakit ako nagkakaganito? Well ang nagtulak sa akin eh yong pananakit nya ng pisikal sa akin, tila hindi ko maalis sa isip ko at sa puso ko ang bagay na iyon at tila binabagabag ako sa twing maaalala ko, ang sakit parang nangyayari sya ulit sa akin.

Pinagdadasal ko na lang sa ngayon eh mapanindigan ko kung ano man sana ang maging desisyon ko. Aantayin ko pa bang mapagbuhatan ko sya ng kamay? At magkaeskamdaluha kami dito at magtawagan ng pulis? Sabi nya, sabi lang nya, di na daw mauulit yon... Sabi nya yan... Talagang hindi na una at huli na yon, dahil baka sunugin ko na sya ng buhay at isama ang abo nya kay Simba lol.

4 comments:

p said...

hello D,

nauunawaan ko yang kalagayan mo. dumanas din ako ng ganyan. weehehehe.
halika dito. tayo na lang!
tama naging desisyon mo. sana lang di ka na bumalik sa kanya. akiun ka na lang! nyehehehe

diwata said...

wala pa akong desisyon p. wala pa... ayaw ko magdecide ng masama ang loob ko at may galit ako, nagtitimbang pa ako.

p said...

diwa,

mas matimbang ako. hahahaha. ako n lang piliin mo. lol

p said...

diwa,

mas matimbang ako. hahahaha. ako n lang piliin mo. lol