Thursday, October 25, 2007

Black Desire - Maitim na Hangarin

Naka plano na ang buong weekend na ito para sa amin, ang daming plano at gustong gawin pero kulang na kulang sa oras. Original plan is to see SawIV this Saturday, but I just remembered something... Since it's Halloween there's something special going on at Mullica Hill - hay ride, haunted houses and the like so, I called her last night and told her that there are some change on our plan... She sound so excited thou, as if there is something to be excited about - kung alam lang nya ang planong kong itutulak ko sya sa bangin doon sa Mullica Hill bwahahahahh...

Last Monday while we were talking, I told her that... We need to practice our Taekwondo, it's been awhile since both of us had our last practice and need to improve that kicking skills... Kaya sabi ko tara practice tayo, pwede bang tayo ang maging sparing partners? Payag naman sya at talaga naman daw she'll kick my ass... (Talaga lang ha? Nakakatakot naman ata yon diba?) High Pink belter ata ako no! Para patas ang laban namin diba? Sports lang walang personalan!!!

At sa Linggo sa darating na matagal na naming na plano pero udlot ng udlot lagi eh yong mag rock climbing kami... Pang 3 a beses o 4 na beses na itong na po-postpone kesyo mag b-birthday daw sya sa isang Linggo at kung pwede daw eh magpunta na lang kami muna sa Temple at sumamba... (Okay sige... Madali naman akong kausap eh.) *Sayang, sabay snap ng fingers... tsk-tsk-tsk hindi ko sya maiihulog!*

Mahal ko si Manat walang duda, mahal kong patayin (hahaha)! Pero may sama lang ako ng loob kaya talagang ganito ako ngayon. Minsang kausap ko si Manat at nakaharap ang kaibigan ko, tila kala mo angel ang kausap ni Manat sa kabilang linya pero natirik ang mga mata noong mga panahong iyon na tila kala mo eh nasasaniban, at pagkababa ko ng phone. (Ang plastic ko talaga no? Sambit ko sa aking kaibigan. - Hindi ka plastic! TANGA KA! Yan ba naman ang isinagot sa akin ni Bactidol.)

Tama na, ayaw ko na, hindi na ako magiisip na maka get-even ako! Sa isang Linggo ipaghahanda ko sya dahil kaarawan nya. Magluluto ako ng Thai Food with a touch of Filipino o diba. Bibili ako ng cake, choclit cake dahil yan ang paborito nya, at palalagyan ko ng dinamita sa loob para tapos na ang lahat ng ito - achus!

4 comments:

p said...

ngek. akala ko ba ayaw mo na sa kanyha!?
hmmm...
alam mo, naaaliw ako sa tuwing nagbabasa ng mga post mo. :)
kahit na alam kong masama ang loob mo habang nagsusulat, nakekerri mo pa ring haluan ng katatawanan. elibs talaga ko sayo.

dumalaw lang po at nagparamdam,

P

diwata said...

kaya nga rants and raves diba? ha ha ha...

eh kung sasakyan ko pa ang takbo ng damdamin at isip ko baka lukresya ako nyan lol...

vk said...

hehehehehehheh

alis na sana ako, kaya nabasa ko ito....ikaw ba, mawala ang kapoy-Tired ko sa araw na ito, lalo na nakita ko yon plansahin ko, naka-tampok parang Bukid-mountain?

Tama, yon idea mo, sa last paragraph....heheheheh

talaga ikaw.........thanks sa mga patawa mo, patawa ba ito?.....hheheh

ay oo nga, excited pa ako ng basa dito, kasi sabi mo magloto ka ng THAI foods...mhmhhmhm
favo ko pa yan, kahit na masakit sa labasan...lol
bahala basta masarap sa taste ko...

cgi na, wlang katapusan tong corny daldal ko....bye...ty ha?

diwata said...

paghahanda ko sya ng pinasabog. makikita nyo kung ano ang pinasabog sa susunod.