On Demand!
As per Tita Vk and Tonita's [aka Toni] request eto na po nanginginig pa...
Thai Sukiyaki (not your ordinary Sukiyaki hot pot) this is Manat [Iron Chef] version.
Preparation for Thai Sukiyaki (not your ordinary Sukiyaki hot pot) this is Manat [Iron Chef] version.
chili sauce, oyster sauce, fish sauce, sugar, sesame oil, chinese wine (or sake) whatever is available, sesame seed, red/green chili, garlic, lime, coriander leaves, bean thread noodles, water spinach (kangkong), shrimps, Vietnamese pork (yong puti ang casing), sukiyaki sauce (mae ploy brand) - so na prepare mo na diba?sumayaw ka ng rico mambo at macarena kasi noong niluluto nya yan eh sumasayaw sya, so baka iyon ang sekreto kaya masarap.
Yong sukat ng mga ingredients eh ikaw na ang bahala kasi depende naman iyan sa iyong panlasa at quantity ng lulutuin mo.
Pagsamasamahin mo sa isang kawali ang mga nabangit kong sangkap igisa mo lang sila sama-sama, pwera ang kangkong at bean thread. Pag nag-gisa mo na at tanya mong luto na ito ihalo mo na ngayon ang kangkong at bean thread at ang pinaka-pinaka-pinaka-pinaka huli mong ihahalo eh yong shrimps ayaw mo naman kasi na ma-over-over-over cook sya dibanetch? (yong hipon, balatan mo at buhusan mo ng kumukulong tubig).
Seafood Salad by Diwatang_Byaning [Top Chef] version.
shrimps, lemon grass, lime juice, fish sauce (nam pla / patis ), sugar, cilantro, onion, fresh mint
shallots, red / green chili, Vietnamese pork (white casing) and bean thread.
Pour boiling water into your shrimps. Pour boiling water into your bean thread [Ayaw natin i-over cook, kaya pour-pour lang po okay?]. Boil the Vietnamese pork and onion. Once every things ready put em' in one bowl and mix altogether with fish sauce, lime juice, fresh cilantro / mint leaves and the chillies - at habang inihahalo-halo mo silang lahat, dapat nag la-lambada ka! It's a must!!!
Papaya Salad (Som Tum) by Diwatang_Byaning
Our main ingredient here is unripe Papaya - obyus ba? kaya nga Papaya Salad diba? eh di kung Patola ang ingredient eh di sana ang tawag sa kanya Patola Salad? *Tok*
sugar, lime juice, unripe green papaya shredded, green beans, garlic, fish sauce (nam pla / patis), dried / fresh shrimp, crablets (optional), chilies, cherry tomatoes, and peanuts (toasted and it's optional)
Wash and peel the Papaya, then you can start grating it. If you don't have a grater... Eto ang madaling paraan at ang usual na ginagawa ko pero mag-ingat ka lang kasi baka mataga ang kamay mo, sige ikaw din at baka mamaya ang tawag na sa iyo eh putol! Mas masarap kasi ang Papaya Salad kung pinong-pino ang strands nito!
Hawakan mo ang Papaya sa isang kamay mo at taga-tagain mo naman gamit ang isang kamay mo. Medyo ibaon mo ng konti para hindi ka paulit-ulit na mag-tatataga jan, ang sinasabi ko yong palibot ng Papaya ang pagtatatain mo ha. Ngayon nataga mo na? Hiwa-hiwain mo sya haggang mahulog ang mga strands. (o diba! madali lang)
Sa mortar and pestle ilagay mo ang Papaya mo na strands na lamang, ang beans o sitaw - shempre dapat putol-putol sya, kamatis, crablets o talangka - optional - pampalasa lang, sugar, chili, patis, lime juice at bayu-bayuhin mo...
6 comments:
maraming salamat ate diwa, copy paste ko na to para meron akong guide pagluto ko.
ate toni po nick ko not tonita..kaw naman.
eto uli ako..sori na ate di ko sadya madaliin ipost mo ung recipe..
hayaan mo next time di ko na uulitin salitang asap..
ganito na lang....now na.
hi diwata,
thank you, thank you, thank you,
ang bait mo talaga......
i copy already, i try to cook this, pag ano ang resulta sabihin ko sa iyo, ok?
masarap din yon papaya salad, nakatikim ako dyan gawa ng thai friend ko, ang anghanggggg
pero masarap....
problem lang dito, ang papaya dito sa lugar namin, presyo gold....
basta my time maka-try din ako nito....ano kaya ang substitute ng papaya sa?
again, thank you very much....
oo nga, palangan ng thai friend ko nito is....pok-pok....kasi pinokpok sa mortar....lol
talaga, ang anghang....lol
kaya lang ang hindi ko, ksi yon beans, kasi fresh....kinakain nila fresh,,,,,pero hindi na makita pag nahalo na lahat, sarap pa....
thanks again ha...........
moment, ano ito;
Vietnamese pork (yong puti ang casing
hindi ko alam ito?...anong klasing pork-meat ito? mabili din sa Asia store?...tanga talaga ako, di mabili sa asia store...lol
bitaw, anong hitsura ito, cooked na ba or smoked cooked or fresh or paano masabi sa asia-sales-representatives?
kung sa supermarkt mabili, saan part sa pork-meat....
ay sorry ha, ang dami kong tanong.....
tyyyyyyy..........hugssssssssss
sa germany ka ba? hmmm alam ko mas mura ang bilihin sa germany sa asian stores jan compared sa kung saang kalapit na country jan sa europa. kasi may kaibigan ako sa prague eh pumupunta pa tita sa germany para bumili ng bigas lol. yong vietnamese pork para syang sausage na mataba sa asian store mo yan bilihin pero alam mo hindi naman kailangan may ganyan eh. optional lang yan. maarte lang kami kaya nilagyan namin ng ganyan lol
Post a Comment