Wednesday, November 7, 2007

So Much Drama, So Little Time

I got home today a little over 7:00 PM which is very good, cause I can do what I have planned for the night, and that is to do a little work out, ever since I went back to school... I can only count how many times I have been to the gym uhgg. (and as a gay rule, this is really a must! even I don't live in Nueva Yorka or Los Angelies) And of course after working out and I will be doing my homework, that's what I really wanted to do and have in my mind set on it already! Sadly I haven't been touch my notebook let alone my book! (sa blogging lang ubos na ubos na oras ko dyusko day! tapos daming drama pa syet! kairita...)

I am so pretentious! Well that's what I learned from Reyna and Matilda! - Ang maging double at triple raise to the 100th power na pagpapangap at pagiging social climber... At bakit kamo? Ewan ko ba, minsan ang mga bagay na hindi ko na kaya pero pilit ko pa ding kinakaya at inaabot ng pilitt, bakit ako ganito... hu hu hu hu ( i know, most of you have been waiting for this lesbian drama series...) Ugh I don't want to be a lesbian anymore, really! There's just too much drama talaga as in evah!!!

I really don't get her point anymore... Sobra na, alam ko matagal nang sobra... Pero bakit, andito pa din ako? BAKETTTTTTTTT??? Bakit ko sya pinipilit abutin??? Kung alam ko naman sa loob ,ko na hindi ko na talaga kaya. Diba? May issue ba talaga ako? O sya ang dapat nag the-Therapy at hindi ako?

Kasalanan ko ito, dahil pinamihasa ko at pinabayaan ko. Kayo alam nyo ba kung kelan tama na ang tama na? (do you know when enough is really enough???) - This is the most fucked up relationship that I've had... (bakit I've had? tapos na ba kami? siguro...) Dahil ang huling txt ko sa kanya right after nya ako saktan na naman sa salita eh... I don't deserve all this... Yan lang ang nasabi ko at nailarawan ng mga daliri ko kanina. Pagod na ako, pagod na pagod... Ilang beses mo na ako sinaktan sa salita at sa gawa! O diba parang panatang makabayan he he he...

Masakit sobra, pero mas masakit kung pababayan ko na lamang... At pilit ko pa ding aabutin ang ang bagay na hindi ko kaya.

Wala na akong gagawin, dahil hindi na dapat at karapatdapat na gumawa pa ng kung ano man... Tama na ang mga pag-amo-amo... Dahil ano mang amo ganon pa din...

I deserve to be happy, yan ang alam ko at ang gagawin ko fo' sho!!! *Kaya bukas na bukas din, mamamakyaw ako ng 5 keg ng Heineken, bibili ako ng labintador, lucis, kwitis, super lolo, sintoron ni Hudas, fountain at isama nyo na din ang baby rocket at watusi! Magpapa-party ako at may putukan panigurado... Dahil bukas, simula na ng aking bagong-buhay, maging magisa at maging masaya!*

I don't deserve all this aggravation shit! HINDI AKO GALIT, AT LALONG HINDI AKO BITTER! HOKAY?

7 comments:

Rebecca said...

ah sama ako sa pamamakyaw mo for your celebration...huwag lang ng Heineken...hindi ako nainom eh...he! he!

uy salamat sa comment mo...ako din natutunaw tuwing nandito sa site mo enchanting muse ;) have a nice day!

diwata said...

nice day? sus sana ha ha ha... mamaya punta ka dito sa amin dahil magmimistulang bagong taon at 4th of July mamaya sa bahay he he he... Ingat lagi Rebecca.

Vicki said...

sigi, kasabay ako at sama ako sa iyo.....

isali mo na ako........ok?

sali talaga ako.....lalo na sa mga putok-putok...putukin natin....lol

Heineken?????sigi, banat na kayo sa mga lalaki ko dito...pero ito, galing holland, made lang dito...heheheh

sigi, bye....huwag kang puputok dyan...

Anonymous said...

.....sana tayo na lang diwa

manilenya said...

naku ha pangatawanan mo yang pinagsasabi mo e baka naman marinig mo lang tunog ng telepono mo e kayong dalawa ulit? ilang beses ka na palang sinaktan e tsk tsk tsk...kapag di na masaya sa relationship tapusin na, pero kung dyan ka masaya sa nasasaktan ka e patingin ka nna nga sa doktor, pagiging masokista na yan..

yung tag mo kasi sa dinami dami ng blog mo di ko mahanap...tatlong blog mo yata yung pinuntahan ko di ko makita, penge na lang link :) para magawa ko na sya :)

diwata said...

pustaha tayo Melai, hindi kami maguusap noon, kapag kinausap ko... ibibigay ko sayo lahat ang kita ko sa review me, ppp at sa gogol bwehehehe...

punta ako sa bahay mo mamaya k, ibibigay ko ang address at location ng homework mo

b said...

heheehehe iyan move on maglandi ka sa iba