Sunday, May 13, 2007

Effective Today.

I am the official Mrs. Srimuangbamrung! May asawa na po ako. Aba ang hinahanap ko pala eh andito lang sa tabi-tabi. Kailangan ko lang talagang idilat mga mata ko at pukpukin sangdaang beses ng bote ang ulo ko!

Naniniwala na ako sa kasabihang. "Kung gusto nyong isat'-isa hindi na kailangan mag pakiputan."

Bad trip na bad trip na bad trip na bad trip ako noong Biernes. Kaya naman biglaan ang pagaasawa ko.
Bakit ko pagpipilitan ang sarili ko sa isang beha na wala namang kwenta diba? Para sa akin wala nang ligaw-ligawan leche pare-pareho lang naman tayong mga babae eh bakit pa kailangan magligawan eh dun din naman tutungo yan. Wala akong panahon sa ligawan dalwa-dalwa tarbahu ko mahalaga sa akin ang oras ko. Kung pwede ko lang lagyan ng metro ang katawan ko nilagyan ko na.

Hindi ako nagasawa kasi bad trip/desperada/iritable ako sa isang tao.

Hindi ko pa mahal ang asawa ko [Alam po nya yon. Basta ang sabi ko sa kanya hindi ko sya tatarantaduhin. Doon din naman ang punta nyan eh. Kumbaga maglalandian kami ng todo so parang puta-puta naman ang labas namin noon dahil hindi naman kami pero landian to the 10th power diba? Eh di asawahin na lang.] Pero gusto ko sya at sa tingin ko hindi naman sya mahirap muhalin. Mubait naman sya. Mahinahon magsalita. Muganda naman sya. Malinis naman sya.

May isa nga lang problema. [Eto na naman ako gustong-gusto kong pinahihirapan talaga sarili ko.] May mga panahong hmmm hindi kami magkaintindihan. Hirap sya at ako intindihin ang isat-isa. Talaga namang ang aking famous lines eh *What, what, what, what?* at *Say that again , Say that again, Say that again!* Kung maririnig mo akong magsalita ngayon eh A-BA-KA-DA-E-GA-HA-ILA-PAA-TE-LA. I am hooked on phonics ang drama ko.

At kanina ko lang nalaman na kapag magkausap pala kami sa telepano. [Hold on one second lagi ang drama nya lagi sa akin eh may kodigong diksyonaryo sa tabi nya! Tawa ako ng tawa talaga kaloka. Pero medyo inis ako, paano pala kapag magkasama kami oo lang sya ng oo kahit hindi nya ako naiintindihan?] Hindi naman daw lagi, madalas lang... HUWATTTTTTTT... Sabi ko sa kanya ang dating 200 mph words ko eh gagawin ko na lang 20 mph, at sana kung hindi nya ako naiintindihan eh sabihin nya at papaliwanag kong mabuti sa kanya. Nag oo naman sya.
At sinabi ko din sa kanya na bilihan ako ng Thai - English Dictionary magaaral akong mag Thai para magkaintindihan kami. [Leche Tagalog at English nga nahihirapan pa ako. Tapos Thai pa? Pero ang totoo nyan, eh gusto kong matuto kasi ayaw kong ako na pala ang pinaguusapan nila at binebenta hindi ko pa alam! LOL.] Todo na ito!

Aba ang bruhilda gusto daw matuto mag Tagalog? HA? Are You for real? Yan ang sagot ko sa kanya. "Saka na. Kapag mubait ka tuturuan kita!"

Halos mga naging kasintahan daw nya eh mga maskulados. Sabi ko nagkakamali ka yata ng kinakarir! Eh naman pareho tayong maguunahang tumihaya no! Sino sa atin ang magsusuot ng Korona? May kaagawan pa ako sa make-up! Sabi nya hindi daw ako Lesbiana... Huh? Paki paliwanag nga? I-nexplain ko sa kanya na GAGA THIS IS AMERICA! WALA NA TAYO SA KANYA-KANYA NATING KA-TRIBUHAN NGAYON! KAYA UMAYOS KA. WAG MO AKONG IRITAHIN.

Kahulihan na pinagusapan namin eh ang panahon ko. Ayan nagdedemanda na kabagu-bagu. Sabi nya paano tayo magkikita? Eh 7 days a week ka mang mag ta-tarbahu sa Hunyo. Gusto daw nya may panahon sa kanya. Ang sinagot ko naman, ayaw mo ba akong magtarbahu? Kaya mo bang suportahan ang luho ko? Kung hindi ang sagot mo manahimik ka at tignan na lang natin kung paano ang agos ng tubig.

5 comments:

C5 said...

Talaga ha! :D

Itulog mo muna, bukas, iba nanaman...si Kori nanaman ang hahanapin mo... :D

diwata said...

ha ha ha... wala na po tita. totoo nang last na yong kay K.mayroon nang ibang nagmamayari sa akin ngayon.

C5 said...

so yung bago, etong Thai? pa-thai ka jan! :D

check mo vote ko sa yo dito:
http://ceefive.i.ph/blogs/ceefive/2007/05/14/the-top-ten-emerging-influential-blogs-in-2007

diwata said...

okay nga eh pa-thai-in nya ako lol.

Anonymous said...

finally nakita ko rin..thai pala!

sige ...congrats diwa!!!