Sunday, April 29, 2007

Iritahin ba ako?

Am sorry to my non-Tagalog readers! I just have to write this entry in Tagalog.

So anyways, I really wanted to blog this story 3 weeks ago pa no! Since, nagkwento ako kay Chuva tungkol sa babaing kinaiiritahan ko tatlong linggo na ang nakakaran! Eh kahapon pinaalala na naman sa akin mga impakta kasi yang si Chuva at si Sunyi eh. Kaya naman medyo kumu-kulo-kulo na naman ang dugo ko kahapon hanggang ngayon mismo! Kayo kung gusto nyo akong iritahin paalala nyo lang ulit sa akin ang kwento to malamang sirang-sira nanaman ang araw ko!

Hindi nyo na itatanong naman kung ano ang aking pinagkakabuhayan diba? Sa mga hindi nakakaalam isa lang po akong katulong. Hindi ako stay in. Naman para may iba pa akong garnatcha no!

Kapag may nagtatanong sa akin kung ano ang aking tarbahu, shempre sinasabi ko honest ako eh! At saka diba parang pi-no-promote ko na din sarili ko! Aba malay ko kung potential amo yon?

Wala akong pinipiling tarbahu. Basta pagkakakitan hindi ko pina-lalagpas. Kahit ano pa. Basta walang halong sex! HA HA HA! Hindi nyo na itatanong wala na po akong libido kaya it's not gonna work for me!

Marami akong on the sides na tarbahu. Minsan nag ha-hardinera ako, minsan naman eh linis-bahay, dog walker at madami pang iba.

Hindi nyo na itatanong pati pag aalaga ng matanda eh pinapasok ko din.

Eto ang aking kwento...

Mga dawalang taon na ang nakakaran pero ang sugat at sakit eh tila sariwa pa din sa aking dibdib.

Minsan may nagtanong sa akin kung ano daw ang ginagawa ko tuwing weekends... At tila hindi napagkikikita ang aking muka... Ang sabi ko abalang abala ako, kasi nagaalaga ako ng matanda pag Sabado at Domingo.

Natanong ng kausap ko kung ano at paano ang ginagawa ko sa matanda? Eh di pinaliwanag ko naman... Wala lang nakatunganga lang nagtititigan kami maghapon pagkatapos ko syang molestyahin!!! Biro lang ha, May pagka-tanga kasi yong nagtanong sa akin eh! Di sinabi ko... Alaga!, as in aayusan mo... Pakainin, Paliguan, Bihisan at Palitan ng diapers!

Nabigla ang naturang babae sa sinabi ko... At biglang syang sinabi na PT ka pala! Ano daw? Medyo nawala ata ako doon ah? PT daw ako? Wala po ako sa medical field! Ang ibig pala nyang sabihin eh Punas Tae! Sabay humagalpak ng tawa at para bang diring-diri sya sa tarbahung ginagawa ko! Nilait-lait pa kamo ako ng impaktang yan!

Ewww kadiri! Paano mo naaatim yon? Wala na bang ibang tarbahu? At pati yan pinapatulan mo? Tangina patulan ko na kaya tong impaktitang to? Yan ang mga nasambit nya yong iba eh hindi ko na maalala basta yan na yong in my own words diba.

Nong habang magkausap kami... Parang nandire ako sa sarili ko... Para bang anliit-liit ng tingin ko sa sarili ko... Pero wala naman akong magagawa eto ang aking kapalaran... And at the same time bad-trip ako sa kausap ko. Kina-kalma ko ang aking sarili at baka may masabi lang akong di maganda! At hindi para patulan ko sya! Kunwari edukada akong tao kaya smile lang ng todo kahit sa loob-loob ko... [Tanginang to kala nya mayaman sya? Eh pareho lang kulay ng tae natin! Parehas lang tayong nakain ng kanin! Eh baka ng ang kinakain lang nya eh NFA na bigas tapos ako brown rice no! At kung laitin ako ganun na lang? Sino ba sya? Kaninong anak ba sya ng Diyos hayup sya! Kung hindi ko pa alam eh [BLEEP] lang sya!] Uyy Chismacks yan... Hindi naman iskandalosa! Buti na lang din hindi ako mahilig sa gulo kaya kahit iritang-irita ako eh pinabayaan ko na lang.

Pagkatapos nyang mga panlalait na yan. Naghanap agad ako ng skwela. Para mag-aral ulit. [Am gonna pursue my paking degree! Hindi Nurse okay!] Hindi ko na itinuloy ang plano ko kasi mahihirapan ako magaral at maghanapbuhay ng sabay. [Sa susunod na lang pag may nanlait ulit sa akin. LOL. May pagka-ulol din kasi ako eh.]

Ang hindi ko tinatantanan eh ang pagtaya sa lotto. Dahil pag ako ay nanalo ng Jackpot. Pangako, ang mga nang-aapi sa akin bibilihin ko ng $10,000 yan lang ang halaga nila. At pasusunog ko! Charing hindi naman ako ganyan kasama duduraan ko lang sila! Bwahahaha...

Nagkakandakuba akong mag-tarbahu kasi gusto kong masunod luho ko. Idol ko kasi si Angel Locsin! O diba! Ang babaeng walang pahinga! Pangarap ko din kasing makapagmaneho ng Hummer eh!

Ang naaalala ko noong bata pa ako, laging sinasabi ng aking magulang wag na wag aasa sa iba.

Nong musmus pa lamang ako laging nasusunod ang gusto ko at mga hiling ko. Kaya naman pag hindi napagbigyan nagwawala ako.

Pag hindi ko gusto ang pagkain sa hapag-kainan ang gagawin ko ay Hunger Strike ako haggang magawan ng paraan. Heh Heh Heh...

Kinausap ako ng aking mga magulang at sinabing "Paano kung wala na kami? Paano ka? Kanino ka hihingi nyang mga luho mo?" [OMG! Having parent's like that is much better than soap! There's alot of drama! LOL.] Kaya naman after noong mga ganong usapan hindi na ako masyado nag-dedemanda sa aking Papa Dear. Tatay ko po hindi ko jowa!

Kaya naman ganito na lang ako kumayod... Kayod aso! Dahil naririnig ko sa likod ng aking tenga ang mga bulong na "Kung may gusto ka, Pag-tarbahuhan mo." Yan ang mga katagang sambit ng magulang ko.

Kaya ako eto ngayon naka handusay sa kama habang ang taas-taas ng presyon at iritableng iritable sa pagkakaalala. At hindi ako apektado okay!



3 comments:

ey said...

ngayon ko lang nabasa...namamasyal po!

nairita din ako ha! how kapal naman the face of that girlash! eh ano nga ba sya at sino sya para mag-comment ng ganun noh? minsan masarap manampal di ba?! pero galing mo...behave! :)

diwata said...

sobrang pigil na pigil. alam mo naman ako may pagka artista kaya nakipag-plastikan na lang ako... parang si ruffa lol.

JC said...

ang sipag mo nga diwa eh, hanga ako sa mga ganung tao at least di maarte sa trabaho...bakit ang nursing naman eh pina-sosyal lang na PT di ba? pero ganun di ang trabaho...

keep it up diwa...at hayaan mo malalaglag din yung babaeng yun sa hagdanan, ang sama nya...