Wednesday, February 14, 2007

Pakisabi na lang... [ Ohh Puso Ko... A Valentine's Special Last Episode ]

Okay so today is Valentine's Day! So? Yeah.. yeah... yeah i don't have a date, walang tumawag [para magyaya man lang kahit sa bakery sa Chinatown, ano ba naman yong .50 cents na kape at $1.75 na pok buns diba? Di naman ako ekspensibong babae eh, mababaw lang naman din ang kaligayahan ko. Wala ding nag txt para bumati *maliban na lang sa Lola ko oo Grama ko na humihingi ng phone card arg!... So i guess walang nag ke-ker sa akin.], Sabi ko sa loob-loob ko *so what?, peklat! Pakialam ko, bitter na kung bitter... Call me Bitter Ocampo!*

I guess ang mangyayare sa buhay ko ngayon eh the usual.. Mag-ta-tarbahu ako.. Hindi ako mag blo-blog.. lunurunin ko ang sarili ko sa tarbahu ngayong araw na to... *di ko na papadalan ang sarili ko ng sandamakmak na plowers gastus lang yon eh, alam ko naman sa sarili ko, na sa skin lang din yon galing.. Aba sinong niloko ko?* [malamang bibili ako mga bandang 10 pm para 50% off na sa produce.]

Si Joe na huling alas ko... Na inaasahan ko, Na akala ko kukunsintihin ang mga kabaliwan ko...
Mintis pinagalitan pa kamo ako at gusto yata akong tirisin at huwag na huwag na daw sumulat magpakailanman... As fo-eveh-eveh?... Fo-eveh-evah? Lintek na buhay to.

Ang napala ko sa ginawa ko? You tell me!!!

Oo nanariwa lang lahat ang minsang alala na lang *kasalanan ko to, gumawa pa kasi ako ng Valentine's Special!!!*

... Masakit... Ang minsang bakokang na.., na... Naging peklat ngayoy tila animo naging sugat... *eksema...makati...masarap kamutin!..., habang kinakamot mas sumasarap mas gusto mong galawin*. ARG!

Aalis ako mamaya.. Papuntang Los Angeles para magpahinog... *sinabi ko ito sa isang kaibigan na aalis ako..,at magpapahinog..,mantakin nyong sabihan ba ako ng punta ka pang LA eh di tumambay ka na lang sa bigasan nyo?!&^(_, abay ginawa pa akong prutas ng loka...*

So am off to LA! Yahoo.. Am going to Hollywood... *roll out the red carpet*. And am gonna make it there.., I am diwatangbyaning this is my legacy...

I am gonna pursue my dreams of stardom! *he he he hindi nyo na itatanong..., gusto ko talagang mag artista... ang susunod at papalit kay Carmina... Ako si Carmina Seguoin Reyna he he he....

Since wala naman akong minamahal... May mga kabit ako... *kuha listahan* Reyna Elena, Chuva, Bea, Ross, C5, JC *ang linggo kay kuta*--- mga i gyibsung ko sila ng lab..., alam nyo na yon kung anong lab yon he he he..., from MON-SAT yan..., in-order yan basta pag lunes si Reyna ang givelabs ko he he he...., hindi kaya ng lola nyo mag giblabs sa lahat sa isang araw..., so bawat araw may favorite ako sa nyo na bibisitahin ko sa kani-kanilang mga tahanan at tadang check na lang the results.. k.. starts today... *bunot pangalan....sa garapon...hmm chuva?* ok ikaw daw eh...so...paano ba yan...he he he..




8 comments:

diwata said...

Gusto ko lang pasalamas sa mga tao na nag donate..

yong mga bumili at nag lapirot lapirot ng panindang moleskin...bulaklak...beer..doon>>>

he he he..

kumita ako ngayon.. parang lumalabas .04 ang kinita ko kasi kagabi pa ako dito sabi nga ni kuya Germs walang tulugan lol*kulang pa pambili ng neo aspilets pag nagkasakit sa puyat..charok...

thanks..thanks..thanks..>>>>>

bea said...

diwa, bon voyage. salamat sa pag gib labs. balik ka agad ha? kakantahan pa kita eh hehehe. ay dun ko pala sa bahay ni reyna kinanta yung kanta ko para sa 'yo. dun mo na lang pakinggan.

chuvachienes said...

diwa - lalayas ka na naman! pano na ang paglilinis, pag-aagiw, paglalampaso, pagpalit ng bubong, pagbuhat ng hollow blocks, at pagitak ng kahoy sa bahay ko?!

binibigyan naman kita ng day off ha. wala namang ganyanan. dapat two weeks in advance ang paalam mo. alam mo namang makalat itong anak ko no?

joke lang! enjoy ka - - layasan mo tong lamig na ito sa east coast. kalechehang yelu ito!

hi ebrijuan!!

reyna elena said...

diwa ano ba yan? eh kelan tayo mag a-eyebol? enjoy sa LA, wag don sa West Hollywood, me kebigan ako dun, dinala ako sa kahuyan, as in me mga unggoy na nakasabit sa mga kahoy, humahada. he he he

wag kang malungkot. ako? wez, i bought my own flowers. sabi kasi ni J bumili na lang ako nang sarili ko. mahal ko sya. kaya ayon, sinunod ko ang gusto nya. bumili na rin ako nang chokolate. hirap nang buhay na to! me ice na sa labas! lakas nang hanging balaklaot! tingin ko icy conditions pa bukas? eh anong gagawin ko? puro na lang muka ko nakikita ko dito?!

I LOVE MYSELF!!!

Chuvachienes said...

ano bang anomalya ang nangyayari sa labas! leche, ang lamig lamig, puro yelo.

josko, hindi tuloy ako naka-drayb kay sir! baka umikot ang kotse ang kung ano pang plastic surgery ang kailanganin ko.. eh ang napagipunan ko lang eh lipo. wala akong fund sa jaw-reconstruction no?

diwata said...

Nasa airport ako hanggang ngayon..*nausok ang pwet*..Nag emergency landning kami...

Aba aba ang Reyna bumisita sa balay ko!..sa Sta.Monica ako mag stay kasi punta akong The Abbey mag audition hehehe...Ina may nakuha akong chokolate galing sa isang costumer nga lang hahaha...k na din atleast may nakakaalala sa akin kahit hindi si K wahhhhh...

@Bea anong kanta yon?

@Chuva...he he he sa sabado ka na lang umalis!, maiintindihan naman ni Sir ang sitwasyon eh!

JC said...

ganun? malamig na malamig ngayon dyan sa inyo? tsk tsk tsk

ii-inom ko na lang kayo ng hot choco hehe..

pero diwa, ingat ka din po, sabi mo kasi punta ka sa LA eh...sige hanapin ko muna yung mga moleskin, bulaklak, at beer dito...

diwata said...

ayawww JC pampa yan eh!!! pampa-taba he he he....