Monday, February 12, 2007

Pakisabi na lang...[ Ohh Puso Ko... A Valentine's Special Part I ]

Katatapos lang ng Pasko at ng Bagong Taon...at heto na naman ang isa pang Holiday na itinuturing natin ang Valentines...*aray..lalo na sa mga kagaya kong single at walang ka DATE--oo wala kaya lech!*


Tandang tanda ko noon sa Pinas na sobrang big deal talaga ang okasyong to! Pag pasok na pagpasok pa lang ng Pebrero lab is in d air na talaga. *gimick sa Tagaytay habang HHWWPSSP [Holding Hands While Walking Pa Sway Sway Pa]


Ang mga boquet galing sa Esperanza's at Holland Tulips. [Na talaga namang Bb. Pilipinas ang feeling mo pag nakatangap ka ng ganito na kung nasa Makati ka eh ang haba ng buhok mo umabot sa Paranque bumalik ng Makati nag side trip sa QC at umikot papuntang Alabang naman naman naman sa haba ng buhok o diba!]

O kung di mo naman feel yong Bb. Pilipinas eh mistulang Sto. Nino ka sa altar naman! he he he...


Isasama ko na din ang mga bars bars ng Goya at rolls ng Goldilocks, at blueberry cheesecake ng Reb Ribbon. [Ewan ko na lang kung hindi ka pa sagutin ng nililigawan mo nyan! ang lala mo na kung ganun]... At at at ang mga Motmot sila ang mas kumikita as in ober book kamo sila, ma pa Sta. Mesa, Pasig o Pasay man! [kaya kayo kung plano nyong mag Motmot agahan nyo! at ihanda na ang mga discount cards jan hehehe]

3 comments:

chuva said...

aba aba aba!!! tumitira na ng pa-suwitams si diwa?!

huwag kang mag-alala, hindi mo pa lang siya nakikilala.. pero darating siya (dala ang mga buhay na manok at sariwang gulay)!!

patience patience my dear!

rs said...

haay gastos lang yan!!!

Magsaya ka at single ka..mag ipon ka at bilhin mo kung sino man hollywood actress na gusto mo heheh

diwata said...

@Chuva hindi pa ba? hmmp hindi kaya nakawala na?--pero mas madaling hulihin ang manok na nakatali na! he he he...hindi naman ako naiinip eh..oks lang ako...isa lang naman ang hangad ko eh..or should i say pinapantasha...he he he *haba na siguro ng buhok non sa ilong at kili kili ha ha ha*


@rs sino ka?hmm parang kilala ata kita ah!rubber shoes??ikaw ba yan ross?..di bale hindi naman ako snob eh...sasagutin pa din kita!..tama ka gastos lang yan...lalo na kung magiging jowa eh kagaya ko...malaks kumain..uminom..manigarilyo..lol..kidding aside

Sobrang tagal ko nang nagsasaya noh! Magipon? Naku patay tayo jan..., at ang pinabibili mo pa sa akin eh Hollywood Star..., lalong patay patay tayo nyan!...hehehe sa ngayon kaya ko ang taga Bollywood hehehe...