Wednesday, February 21, 2007

Chika Connek Update

Di ko na talaga matiis ang panga-ngati ko... Madali kong tinawagan si Dra. Belen at nagpa singit ako ng appointment kanina. *Matagal pa ang pinag-antay ko sa naturang Doktor kesa sa pagtingin nya sa akin*



*Ehem-eherm....*

Diwa: Doc may malaki po akong problema, sana poy akoy matulungan ninyo. May mga kati-kati po ako sa kadahilanang nagaalaga po ako ng aso ngayon eh tila po yata allergic ako sa pets. Gusto ko po sanang mag-pa-subscribe ng gamot sa inyo kung maari lang ho ng maibsan ang aking pangangati...

Doc: Hindi ako bilihan ng magasine iha... Baka ang ibig mong sabihin eh prescribe? Yon nga ba ang gusto mong mangyari? Walang problema. Iha mag hubad ka nga, ng makita ko ang mga rashes mo...

Diwa: *Walanghiyang Doktor to, pinahiya pa ako arggghhh!!!!!!! Pareho lang naman yon may cribe naman din sa huli kanines* [Habang ginagawa nya na ang mga test sa akin]

Doc: Iha hinga ng malalim... Inhale... [Aba 5 mins na akong naka inhale di pa din nagpapa exhale ah pinapatay ata ako nitong Doktor na no!!!] Ok exhale... Normal naman ang paghinga mo...

Diwa: Ahhh ganun po ba?

Doc: Wala akong nakikitang problema sayo... Di ka din allergic sa aso... Dahil kung may allergies ka sa aso eh tipong mahihirapan kang huminga! Na tipong nag a-asthma ka. *Madiing sabi ng Doktor*

Diwa: Eh bakit po ako nagkakaroon ng mga rashes?

Doc: 2 ang hula ko.

Una madumi ang dugo mo kaya ka galisin.

Pangalawa ang asong inaalagaan mo ei mayroong kuto...

Diwa: *Punyetang Doktor to... Pigilan nyo ako... Baka hindi ako makapagpigil dito at... Ahhh pasalamat kang Doktor ka at maganda ka!!!! Nilalait-lait ako nyeta! Galisin daw??? Sana naman sensitive skin nasa Amerika na tayo eh!*

Doc: Advice ko sayo Diwa, get rid of that dog!!!! Now!!!!

Diwa: *Aba utusan ba daw ako?* Ah eh ah kasi ho di pwede kasi sa biernes pa babalik ang mga magulang nyan...

Doc: Ikaw ang bahala sinasabi ko lang sayo...

6 comments:

ros said...

bow wow wow
awooooooooooooooo!!!!

**binusalan ang aso

kalmutin ko muna ang hita ni diwa dun sa gilid

diwata said...

hehe wag mo syang busalan dahil hindi naman sya nangangagat... ako ang kelangan mong busalan!

reyna elena said...

Oy! Nakain mo ba yong pagkain nang aso? I mean, you know, pag madilim, masarap din yun! He He He

diwata said...

kahit di madilim kinakain ko sya lol

C5 said...

bakit di mo sinabi sa duktor na yun na kinain mo dog fud?

diwata said...

ah yeah mac and cheeze sya na para kay Jasper po... hmm dog food nga or hmmm pede ding Jasper food?