Tuesday, February 13, 2007

Pakisabi na lang... [ Ohh Puso Ko... A Valentine's Special Part II ]

Since wala akong ka date, Naisip kong hmmmft bakit hindi ko kaya padalan ang sarili ko sa opisina ng 10 boquet ng bulaklak pahabain ko naman buhok ko!, Buhok na lang nila laging humahaba eh! *At shempre di na ka sign ang nem ko naman!*

At ipagwagaywayan sya sa harap ng mga tao.... Pero pero pero malamang magtatanong ang mga ka tarbahu ko kung sino ang ulol na nagpadala ng flowers sa akin.

So minabuti kong sulatan si Joe D'Mangoesteen! Oo sumulat ako sa Love notes at sumagot sya o diba tarush.

Ito ang nilalaman ng liham ko. Nais kong ibahagi sa inyong lahat!



Dear Joe,

First of all let me greet you and your listener's a warm good morning!

Joe just call me Diwatangbyaning. For some reasons i can't disclose my real identity. May re-PUTA-syon akong inaalagaan. [What matters most playing while Joe's reading my letter.]

I used to listen and watch your program back when i was still in the Phils. I am now residing here in the US.

You see Joe i have this love problem, It's about this girl i really like. Let's just call her Kori...

Please help me Joe, Am tired of thinking.......

Gustong gusto ko si K... Simula pa lang ng makilala ko sya... Mahal ko na nga ata sya eh!

Matagal na din kaming magkakilala pero hindi kami close *feeling close lang kamo*. Kulang kulang isang taon na din sa Hunyo.

Una pa lang na makita ko si K *sinabi ko sa sarili ko na kelangan mapa sa akin sya!*. Tatlong date lang ang kelangan ko para malaman ko kung ano ba talaga [SOP sa akin to lol].... *oo desperada na ako Joe, kung desperada..pero kay K lang ako desperada!!!!*

Yong tatlong date hindi mangyare-yare... Ni hindi pa nga ako nakakaisa eh... At kahit kelan ata hindi ako makaka-isa... Kape lang Joe.. Imagine kape lang ang imbitasyon ko sa umpisa.. Supalpal na agad ako... Olats.. Wala.. Tablado ako... *nangingilid-ngilid na ang mga luha*

Lahat na Joe sinubukan ko....

Nag konsulta na ako kay Madam Rosa. *di naman gumana*

Tinawagan ko na din si Lady Dayna. *para i-pa voodoo... 3 buwan daw kelangan kong antayin*

Nagpunta na din ako sa tindahan ni Rose Lim *oo lintek nagastusan-gastusan pa ako kamo!, Since Horse [hindi Totoy Mola ha] ang aking sign, napabili ako ng di oras nyang mga produkto nya. Yong green rabbit at chenelyn quartz na kelangan daw ilagay ko sa east ng bahay ko. Eh ang masaklap hindi ko alam ang east at west tila yata sa west ko nailagay kaya hindi pa din gumana!*

Malala na Joe kung malala...

Ang huli kong pinag konsultahan eh yong si Diwa. [may kapangalan pala akong mambabarang? baklita syang version?] *shempre ang mga kandila pinagtatali ko at sinindihan dinasalan sa wikang latin... sabi nya kung di daw gumana ang una kong gagawin eh, sumulat daw ako ng lab letter at sunugin tapos lagyan ng asukal.. sa kagustuhan kong gumana na talaga eh binuhusan ko sya ng arnibal....

Ngayon ikaw na lang siguro ang natitira kong alas... Naway ikaw ang makatulong sa puso kong nagdurusa...

May isa pa pala akong kahilingan, Pa request naman nong kantang Pakisabi na lang by Aiza Seguerra po.... Sana po mapagbigyan lahat ang aking kahilingan...

Umaasa sa iyong payo,
Diwatangbyaning


Note:
wala pang response si Joe... inaantay ko pa...
snail mail nya....
pi-nost ko na ang sulat kong ito.. sa kadahilanang may mahaderang
nag lu-lurk dito at atat na atat na.




















5 comments:

chuvachienes said...

ang galing naman ng bloggacious mo!! Panay suspense.. letche!

O sige, hihintayin ko ang sagot ni Joe sago! Babalik balikan ko tong bloggacious mo and it better be worth it ha?!

diwata said...

hehehe...salamat...sana sumulat sya pabalik...hindi pa naman nadating ang kartero namin..sana
*krossingpingers* makasama sa delivery mamaya....

bea said...

DIWA, e zinu ba yang Kori na yan? baka naman si cory aquino yan kaya kahit kape lang, hindi ka mapagbigyan. busy kasi yun sa ibang comitments at speaking engagements eh hehehehe

bea said...

hayun! pumasok na comment ko! yeeeeey! siguro kanina nililinis mo ang bahay mo kaya di ako makapasok hehehe

diwata said...

Si Kori yong babae na nakatalikod na BW sa post kong PRE Valentine's...dapat ilalagay ko doon side view...para naman makita pero..alam mo na..takot ako..baka mamaya maligaw sya dito at makita na lang nya na may piktur nya pala ako at naka post pa sa site ko hehehe..*e di napatunayan tuloy nya na gisundan ko sya noon*