Tuesday, February 27, 2007

Persona

I was interviewed by Ngerl Abunda and i want to share it to you... Enjoy!


Ngerl Abunda: Hi Diwa! I am soooo happy to meet you! How are you?

Diwatangbyaning: Hi din! Okay naman ako... Kamusta ka naman?

Ngerl Abunda: Ohhh am good, good, good!

Diwatangbyaning: Ahh okay... *On a subtle tone*

Ngerl Abunda: Thanks for giving me the chance to interview you! It's was such a pressure!!!

Diwatangbyaning: Okay... Walang problema... Anytime basta ikaw! *Hapon kaya si Ngerl?*

Ngerl Abunda: Am gonna go straight to the point... I have a few questions here okay. Your site, what is this all about?

Diwatangbyaning: Hmm nice question! Next question please? *Hagalpak ng tawa*
Actually i don't have an effin idea talaga kung ano ang silbi ng site ko at kung ano ang theme ko... Siguro dapat palitan ko ng title no? How 'bout sari-sari or halu-halung kalamay? *Har har de har har* It's about my everyday life... Mga adventures ko... Mga samut saring pichurakas!

Ngerl Abunda: I noticed that you always speak tagalog on your site... Why is that?

Diwatangbyaning: Yeah baby! That is my Market. I want Filipino viewers and besides it'll be all different if i'll use English language... Mawawala yong dating! Gets mo? At chaka... Very limited ang English ko! *Hahahaha ngisi-ngisi*

Ngerl Abunda: Gocha!

Diwatangbyaning: Eh yon naman pala eh!

Ngerl Abunda: Are you a full breed Filipino?

Diwatangbyaning: Nope! And that would be my Mother's fault... She's partly Italian and Filipino Chinese.

Ngerl Abunda: You speak fluent Tagalog. Were you born in the Philippines?

Diwatangbyaning: Nope... I was born here in the States, and when i was a bit over 6 yrs. old my Father was deported back to the Phils., due to some immigration issues, mahal na mahal ng Inang ko ang Erpats ko! At ikakamatay daw nya pag nagkahiwalay sila... So bumalik kami ng Pinas para makapiling ang Tatay ko... Namatay ang Nanay ko sa pagmamahal sa Erpats ko... Sa kunsumisyon! After my 18th birthday I diwatangbyaning decided to go back to my pinagmulan.

Ngerl Abunda: I noticed that you have nice photos on this blog! Have you ever been commisoned? Are you an Arist?

Diwatangbyaning: Oh gee thanks! Hobby ko lang yan. Ako artist? *Ha ha ha Tawang malakas!* Pagkakaintindi ko kasi sa artist eh someone who studied arts, sell thier stuff and at the same time wala pa ding pera! *Tawa ulit ng malakas he he he he* I haven't been commisioned as of yet, but i'll be working on that. Busy lang ako ngayon.

Ngerl Abunda: Aren't you cold? Naka tank top ka lang at naka capri... Summer na summer ang dating mo ah! Kanina ko pa gustong itanong sayo ito, pero nahihiya lang ako. Merong ka bang tribong kinabibilangan o ex-convict ka ba??? Napansin ko kasing tadtad ka ng mga tattoo at piercing sa katawan mo!

Diwatangbyaning: HA HA HA HA Ngerl ur soooo funny!!! Nahihiya ka pa pala ng lagay na yan no? Eh halos itanong mo na sa akin lahat ah... Kulang na lang eh tanungin mo din ako kung sino ang bumaril ke Rizal!!!! *Antipakitang tonong sagot ko ke Ngerl!*

Ngerl Abunda: Is it true that yous a PA? [As in Personal Alalay? O isa lang yang palabas?]

Diwatangbyaning: Totoo yan Ngerl. Bakit naman ako magpapalabas ng ganyang publicity sisikat ba ako? Hiya ka pa... PA... PA... Kapa jan... Oo katulong ako! Gusto mong palinis? *He he he he*

Ngerl Abunda: Katuwa ka naman Diwa! Tawa ka ng tawa lagi... Wala na akong narinig sayo kung di halakhak...

Diwatangbyaning: Life is short... *Sabay biglang wa imik*

Ngerl Abunda: Kung mabibigyan ka ng $1 million ngayon anong balak mo sa pera?

Diwatangbyaning: Bibigyan mo ako? *Excited kong tanung????* Magaaral ako ulit!

Ngerl Abunda: Hindi wala naman akong ganyang pera eh! That's a very good answer! Ano bang natapos mo?

Diwatangbyaning: Gusto ko lang ipagpatuloy kung saan ako nahinto...

Ngerl Abunda: At ano naman yon? Saan ka ba nagaral?

Diwatangbyaning: Mga tanong mo ha! Sumusobra ka na! Baka makilala na ako nyan!

Ngerl Abunda: Hindi ko naman tinatanong kung anong pangalan mo eh.

Diwatangbyaning: O sige na nga... Elementary up to High School sa IS ako. Tapos nong college some Business School... Ngayon balak ko sana mag Wharton!

Ngerl Abunda: Hindi nga? IS? Madami akong kilala jan! Wharton? Aba ang taas naman pala talaga ng pangarap mo? Eh ilang bahay ang kelangan mong linisin bago ka makapasok kaya jan? *Ngi-ngisi ngisi*

Diwatangbyaning: GAGA. IS= Ibat-Ibang School!... Libre lang mangarap Ngerl! Sky's the limit yan!

Thursday, February 22, 2007

Colored Pencils



Their not that sharp, but their colorful...

More Info:
Canon EFS 18-55mm
Macro Shot
My Studio

Wednesday, February 21, 2007

Illuminated


Everything is illuminated...

Chika Connek Update

Di ko na talaga matiis ang panga-ngati ko... Madali kong tinawagan si Dra. Belen at nagpa singit ako ng appointment kanina. *Matagal pa ang pinag-antay ko sa naturang Doktor kesa sa pagtingin nya sa akin*



*Ehem-eherm....*

Diwa: Doc may malaki po akong problema, sana poy akoy matulungan ninyo. May mga kati-kati po ako sa kadahilanang nagaalaga po ako ng aso ngayon eh tila po yata allergic ako sa pets. Gusto ko po sanang mag-pa-subscribe ng gamot sa inyo kung maari lang ho ng maibsan ang aking pangangati...

Doc: Hindi ako bilihan ng magasine iha... Baka ang ibig mong sabihin eh prescribe? Yon nga ba ang gusto mong mangyari? Walang problema. Iha mag hubad ka nga, ng makita ko ang mga rashes mo...

Diwa: *Walanghiyang Doktor to, pinahiya pa ako arggghhh!!!!!!! Pareho lang naman yon may cribe naman din sa huli kanines* [Habang ginagawa nya na ang mga test sa akin]

Doc: Iha hinga ng malalim... Inhale... [Aba 5 mins na akong naka inhale di pa din nagpapa exhale ah pinapatay ata ako nitong Doktor na no!!!] Ok exhale... Normal naman ang paghinga mo...

Diwa: Ahhh ganun po ba?

Doc: Wala akong nakikitang problema sayo... Di ka din allergic sa aso... Dahil kung may allergies ka sa aso eh tipong mahihirapan kang huminga! Na tipong nag a-asthma ka. *Madiing sabi ng Doktor*

Diwa: Eh bakit po ako nagkakaroon ng mga rashes?

Doc: 2 ang hula ko.

Una madumi ang dugo mo kaya ka galisin.

Pangalawa ang asong inaalagaan mo ei mayroong kuto...

Diwa: *Punyetang Doktor to... Pigilan nyo ako... Baka hindi ako makapagpigil dito at... Ahhh pasalamat kang Doktor ka at maganda ka!!!! Nilalait-lait ako nyeta! Galisin daw??? Sana naman sensitive skin nasa Amerika na tayo eh!*

Doc: Advice ko sayo Diwa, get rid of that dog!!!! Now!!!!

Diwa: *Aba utusan ba daw ako?* Ah eh ah kasi ho di pwede kasi sa biernes pa babalik ang mga magulang nyan...

Doc: Ikaw ang bahala sinasabi ko lang sayo...

Tuesday, February 20, 2007

No job is too small or BIG for me. (Kakaloka)

Kung ang Army eh may. Be All, You Can Be. Ang sa Navy naman eh, It's Not Just A Job, It's An Adventure. Sa mga taga Makati naman eh, Makati Mahalin Natin, Atin Ito. At mga taga Paranaque eh, Clean And Green Paranaque. Ako naman ay merong... No Job is too small or too BIG for me.







Oo totoo wala akong hini-hindi-ang tarbahu, basta kaya ko at hindi tipong *Wanted sexy cleaner na kahit pa $50 an hour ang bayad, naku hindi pa kaya ng powers ko yan day!*








Ang iba kong kaibigan nagtatanong kung Instik daw ba talaga ako????? Tila daw may lahi akong Bumbay at Mexicano eh *Hindi nyo na itatanong nagtitinda ako noon ng chicharon, mani, kendi's soda at phonecards dito sa aking pang umagang tarbahu sheeshh wag kayong maingay sa amo ko, paktay ako pag nagkataon!*











Nung isang araw may natanggap akong tawag sa isang tao na nakilala ko dito sa aking day job, at tinatanong ako kung gusto ko daw magalaga ng aso kasi magbabakasyon daw sila. Di ako nag dalawang isip. Nag oo agad ako sa alok, aba pambayad renta din yon no! *Alam ko ang aalagaan ko Bratinella*




Mahilig ako sa mga pets, aso in particullar. Gusto ko ngang hiramin si Simba kay Chuva eh, para naman mapasyal sa KPSCC [Kilalang Park Sa Center City] kasi naman mas madaling maki pag chickahan sa mga chikababes na ma-cutie na may aso ding dala ohh diba! [gets nyo?] Yun nga lang ang muder ni Simba wa tiwala sa akin paano daw kung maisipan kong maginom habang kasama anak nya at kung ano ano pang palusot! Na kesyo baka masagasaan chenalyn.....



I love animanls!!!!!!!!! As a matter of FAQ I am a active member of PETA [People Eat Their Animals]




Meet my alaga... Jasper *Spoiled yang bruhang yan! Ayaw kumain sa kainan nya... Gusto di subo!!!! Nyeta X ko nga di ko nasubuan tapos sya papasubo-subo?*







Unang araw ko sa balay nila Jasper, ang una kong sinilip ay ang pantry at ang ref. Muka yatang may anomalyang nangyayare dito!!! Panay Jasper ang pangalan ng delata at ng nasa freezer na steaks.... Lahat Jasper... Jasper... Jasper... Jasper *Umuusok ang tengga ko siya na lang lagi!!!*

Naghanap pa ako baka sakaling medyo naligaw lang yong mga steak at delata na nakalagay ang pangalang Diwa! Ngunit wala! Binaliktad ko na ata ang kanilang La Germania pero wa... Wala talaga... *Punyeta tao din naman ako, nagugutom din! Buti pa kina Ati kahit flurwax ang akin atleast ginapakain nila ako! Buntong hininga*

Eto ang ibidinsya... Sosyalin diba? *Nilulutuan ko pa yan ng steak at gulay, pero misan pag gutom ako at tamad bumili sa labas, eh gulay lang sya at mga 5 pirasong maliit na hiwa ng karne! O kaya ginapaltan ko ang kanyang steak ng aking lucky me pancit canton!*

Sa sobrang sama ng loob ko dahil walang iniwang bogchi sa akin, naglasing ako sa una kong gabi! *Hik--hik--hik*


Kinaugalian ko ang kumain pag naka inom kahit na late pa, para mawala ang lashing! *Hinalungkat ko ang ref. at nakakita ako ng mac and cheeze. Jackpot sabi ko sa aking sarili!*

Kinaumagahan sa aking pag-gising. *Feel na feel kong namamaga ang muka ko at ang dami kong kati-kati. Dali dali akong pumunta sa banyo, para usyosuhin...* [Ekkkkk anong nangyare sa kutis kong mala porselana????????] May allergy pala ako sa aso! *Dehins ko alam yon ah!*

Tinawagan ko si Chuva para makipag-cheezemakan. Naikwento ko! *Nasa kabinag linya si Chuva... Blah-blah-blah... Grabe may allergy pala ako Atih sa aso hindi ko alam! Madiin kong sabi!*

Kinahapunan ng mawala ang hang-over ko, tinawagan ko ulit si Chuva tila may naalala akong katarantaduhang ginawa ko nong gabi! *Atih may confession ako... Di kaya sa dog food ako allergic? Sagot ni Chuva [Oh, no you didn't! Na may kasamang hagalpak na tawa!] Kinain ko kasi yong mac and cheeze na para talaga kay Jasper yon eh! Lesson learned, ang para kay Jasper ay kay Japser lamang at kanyang-kanya na!!!!!! Nagsasalita habang kamot ng kamot*

Heto ang katibayan na aping-api ako dito sa pamamahay nato. Jan din ako matutulog pero tila gusto nyang swapangin ang kama! *Mga tinging sa kanyang mga mata eh ang sinasabi eh LECHE KA DIWA! AKO AMO DITO! HINDI IKAW! naman!!!!!*


O diba katibayan na sa Lapag'e beauty ako talaga!

At eto pang isa... Nakikita nyo ba yan? Hindi ko to desktop ha! Yan ang balay ni Jasper kuha sa labas... 16 channels yan... Laban kayo? Bawat sulok sa labas ng bahay may surveillance cam!!!!!!

Feeling ko nga minsan nasa reality show ako eh! [Na tipong mala Jackie ng Work-out ang chika ko... Malay ko kung may cam din sa loob ng bahay no... Kaya ang mga pag arte ko naman pang Oscar! Aba mahirap na baka next month eh nasa YouTube na din ako! Ayoko ata non.]


Kaya pag time na maligo ng lola nyo... Lights off na ako *Ayaw ko bukas ang ilaw baka naman sa susunod na edition ng Girls Gone Wide eh kasama na ako, and besides napakalaki ng bintana sa banyo at lace lang ang kurtina! Feeling ko tuloy isa akong goldfish na nasa aquarium na pinagpipisatahan ng mga tao sa labas, pwede bah!

Osha-sha sa susunod ulit na Adventures of Inday! Maga luto pa ako sa alaga ko... Baka mangayayat to ako pa masisi. *Mega ispluk habang kamot ng kamot ng kamot ng kamot!!!!!*








































































































































Monday, February 19, 2007

I am off today!

It's my day off today. So i decided to go to the City. Wala lang pasyal pasyal lang. Tambay lang sa KKS [Kilalalang Kopi Shop] na nasa loob ng KBS [Kilalang Book Store.] *sabi ng amo ako, kaka bakasyon mo lang tapos ngayon off naman? Hindi ka kapal muks no? He he he... Wa ako pake! Basta mag off ako! I need fresh air.*

Feeling busy ako sa paghigop ng aking kape at sa pag gib labs sa aking baby for the day! *animo businesswoman na busy sa pagbili at pagbenta ng stocks sa net*

Nang dumungaw ako sa bintana ng KKS nasa loob ng KBS. Eto ang aking nakita.... Lintek na buhay to.... *Sabi ko sa aking sarili! Tumambay tambay ka pa kasi dito eh! Bale wala lang ang pagpapahinog na ginawa ko!*

Image deleted 02/25/2007 *Baka makita pa ni Kori o ng kung sinoman na gina blog ko sya, paktay ako! At saka baka mas sumikat pa sya sa akin eh pwe*


I'm just a normal boy. That sank when I fell overboard. My ship would leave the country. But I'd rather swim ashore. Without a life that's sadly stuck again. Wish I was much more masculine. Maybe then I could learn to swim. Like "Fourteen miles away."





Sunday, February 18, 2007

Masama ang loob ko! *buset na buhay to!*

Okay okay, nakabalik na ako kung saan man ako nang galing.

Nang maisipan kong chek-in ang aking camera aba aba aba... Panay itim at puti lang ang nakikita ko .... *Wahhhhhh anong nanyari? Tinangal ko na ang baterya. Lahat na sinubukan ko wa epek pa din!!!!*

Masama ang loob ko, kasi alam kong gatos na naman ito!!!! *Nag ca-canvas na nga ako ng bagong camera eh, same pa din pero mas mataas na ang pixel, pero tila mamahal pa din.* Palibhasa GSM ang camera ako... *Globe-Smart-Mobileline?* GAGA! *Galing Sa Magnanakaw!*

[May i surf sa site ng Casio, ayun nakita ko na ang gusto ko parehas na parehas pa din yon nga lang mas maatas na ang pixels nya. Fixated ako sa orange kaya kung bibili ako orange pa din ang gusto ko, pero hindi ko muna bibilihin hanggat wala akong naririnig pa mula sa Repair Service.
Eh kung pagbabayarin lang ako ng $50 keri na! Pero malabo yan, dito pa ang mahal mahal ng labor!!!!!! Kung tatagain nila ako might as well dagdagan ko nang lang at may i upgraded na ang beauty ko sa 7 pixels diba?]

Madali kong hinanap ang phone number ng manufacturer at tumawag kahit alam kong paso na ang warranty nya. *Hi I am calling regarding my kwan... You know yeah my camera, am having problems with it, i can still take photos but, there's a black and white thinggy on it's LCD.
At sabi ng costumer rep Okay, just send it in and well fix it. I think that is a mufacturers defect!*

Nag qoute ng more or less $80 ang rep. Pero hindi ako naniniwala. Pero pinadala ko pa din aba sayang din yon no. Maglakad man ako mula bahay ko hanggang sa bahay ng kabit ko eh hindi yata ako makakapulot ng $80.

Langyang manufacturers defect yan chaka lalabas kung kelan paso paso na ang warantty arggggggggg!!!!!!!!!!!!!!!

Kasama ko ang aking digital camera sa aking pang araw araw na buhay. Umaraw. Umulan, o Mag snow. Parang cellpown ko laging nakakabit sa akin. *Alam mo ba yong feeling na pag wala sayo ang cell mo hirap kang huminga? Nararamdaman ko yan ngayon, ngayong wala akong digital sa bag-gey ko.*

Kung di nyo na itatanong Casio po sya... Camera sya hindi calcullator.

Hindi naman sya sira eh gumagana pa din!!!! Nakaka pag take pa din ako ng pictures, yon nga lang hindi ko makita ang kinukunan ko since ang LCD black and white. Kelangan load agad sa pc lol. *Haaay buhay, di kaya ito sign na wag na akong mag photoblog?*

Saturday, February 17, 2007

Hi, Hello, Goodbye.. L.A (adios me patria condensada)


Everybody comes to Hollywood. They wanna make it in the neighborhood. They like the smell of it in Hollywood. How could it hurt you when it looks so good *Madonna sings in the background*

Natatandaan nyo pa ba ang sinabi ko nong bago ako magpunta dito at oo bago kami mag emergency landing ng LHR., Ang mga katagang I am Diwatangbyaning this is my legacy..., I am gonna pursue my dreams of stardom... Well, guess what? It's still a dream *buset na buhay to!*

Yeah yeah yea, andito na ako sa L.A at bukas na bukas din lalayas na ako kasi mga walang kwenta tao dito!!!! *sa Lapag'e Inn ka ba naman pag is-teyin? samantala nong sila ang dumalaw sa akin sa Papag'e Courtyard ko sila pinatulog noh mga walang utang na loob...*

Sana hindi na natapos ang ang masamang weather sa Hamerica ng sana sa London na lang ako nanatili! Sana pabalik ko bukas sa Gatwick naman ang emergency landing sarap daw sa Villa Lapag'e balita ko... Sawa na ako kasi sa Chateau Lapag'e ng Heathrow eh. *haayyy, buntong hininga*

Friday, February 16, 2007

Wish List..*maga wish upon a mega na lang ako..haayy*

Malapit na ang Birthday ko kung tutu-usin... Sa darating na December kaya eto may i make na ako ng wish list


Eto ang pinaka-aasam ko Macbook Pro haayyy... You're beautiful talaga!!!

Pero pwede na din ito kung di talaga uubra yong Macbook Pro he he he... Ang taas talaga ng panagrap ko no? *aba libre lang mangarap no!*

Isa pa to. I want this!!!!! *kahit wala akong SLR na pagkakabitan... wala na lang pakialamanan kanya kanyang trip lang yan!*

Maka layas na nga at makahanap ng maganda at mayamang R.N (Retarded Nurse)

Photos from

www.compusa.com

Thursday, February 15, 2007

Na Timang Sa Sobrang Kabatuhan

I was so bored at the airport so i decided to took some photos...
(Habang feel na feel ko ang prenteng pag kaka hilata ko sa Chateau lapag'e ng herport!, Dahil hindi daw kasalanan ng lecheng TWKA yan!)

...Just some FA (Flying Atchay) At some Irish Pub. After having a banger, a crisp and 2 pints of Guiness with some Bobby, eto ako... (Ngengenge, I gtg na baka maiwan na ako ng aeroplano nyan..., ayaw ko na maging iskwater sa herport... Bye lyndon *feeling british accent talaga* , aalis na ako dito sa phonebooth na to. Baka ma kick out pa ako rine... ang kaso? DUI, Dialing Under the Influence...he he he)

[Am sorry but i have to delete the pix... Mahirap na at baka masyadong ma expose ako... Ayaw ko pa namang mag artista... ayaw kong masira ang buhay ko!!!]

Argghhh!!!!

So i left Philadelphia around 4pm, kasi ang flight ko eh 6:30 pm for Los Angeles so tamang tama lang sya *syempre nag tarbahu muna ako, pang waldas sa LA.*

The weather was so bad..., Yelo kung yelo ang patak ng ulan... Pero hindi naman na cancel ang flight ko, *dahil kung na-cancel sya eh malamang, naghuhurumentado ako doon kagaya ng napapanood nyo sa A&E channel na episodes ng Airport chenelyn reality show chenes sa mga kung saang airports dito sa Hamerica!*

Pagod talaga ako lalo na nitong nakalipas na mga araw. Kaya naisipan kong mag bakasyon muna.

Sa sobrang pagod ko nakatulog ako hindi pa man din nag ta-take off ang aeroplano. nang biglang, nagising ako dahil na rin sa ingay, ang kapitan nag announce na mag emergency landing daw, due to bad weather condition.

*Hi everybody this is your Captian Abdul Haddad speaking, we are now approaching Heathrow Int'l airport on chenelyn chenelyn latitude... 41 knots... chenelyn longtitude... [ano daw???? nakakalowka naman yon!] *

Nyeta ano to? Ginaya ang pagpapahaba ko ng buhok?, na from Makati to Paranque to QC sabay umikot ng... ng Alabang?????? *hindi na ako sasakay ulit dito sa TWKA(tanginang well known airlines)..... Pero sa isang banda ng isip ko hmmp ok lang naman din kasi hindi pa naman ako nakakapunta ng London... *natangap kaya sila ng Dinar doon?, magkano kaya ang conversion tanong ko sa aking sarili*

Ayaw na ayaw ko talaga ang nag bya-byahe [bukod sa nasisikipan ako, kasi di ko naman afford ang business class at bukod doon eh byahilo ko... Oo totoo, wa pa naman akong baong Bonamine arrrggggg!!!! i heat it.. i heattt it... i h-heat myself for that!!!]

Isa pa mainipin ako eh... Di ako pwedeng nakaupo lang sa isang tabi habang nagpapatay ng oras... *wish mo lang huwag mo akong makatabi sa aeroplano kung di sira araw mo he he he*

*arrrrayyy ko ang sakit ng tenga parang may bara* Eto lang ang mga katagang nasambit ko sa isip ko habang nang ngu-ngu-nguya ng gum... bukas... sara ang bibig... yan kasi ang turo ng Nanay ko tandang tanda ko pa.

Nasa London na ako!!!!!! *pumunta ako sa counter ng TWKA para itanong kung saang Hotel ba nila ako pag i-isteyin ng LIBRE at para kumuha na din ng food voucher at phone card ng malaman naman ng kaanak ko na okay naman ako!

Lapit sa babae sa counter, ehem ehem lunok. Excuse me Mam am here to get the Hotel voucher's, phone card, and my food coupon!

Sagot ng babae sa akin., Am sorry say that again please????.... Eh paulit ba?... Inulet ko naman, at clueless syang nakatingin lang sa akin at sa loob loob ko inglis naman ang pakiusap ko ah.

At sinambit nya ulit ang...

Am sorry can you please say that one more time please (eh bwaka-na-bitch ka pala eh? Pinagloloko mo ba ako? Sa isip ko lang to ha...)

So to be fair inilabas ko na ang aking accent na English ng magkaintindihan na kami...

I SAID I AM HERE TO GET MY VOUCHERS/COUPONS WHATEVER YOU CALL EM' HERE IN LONDON... SO WHERE IS IT? DO YOU WANT ME TO SPELL IT TO YOU? *like... A for apple, B for bionic? Huh? Medyo asar kong itinanong sa kanya, na may pag-galang pa din*

...Am sorry Mam but we don't provide any vouchers since it's not our fault, madiing nyang sabi sa muka ko., Bigla akong naginit at sinabing what do you mean it's not your fault?

... Ang chika pala pag na de-delay pala ang flights o kung ano man due to bad weather ay hindi ka pala nila sagot yoon? Hmmm eh paano kung nag crash ang aeroplano due to bad weather ganun na lang ba yon???????????

Thank you for flying TWKA and we hope you still fly with us in the future kung buhay ka pa! Linchak!

Hindi ko afford ang Hotel mahal eh... Muka akong iskwater sa airport... Wala man lang akong baong coat, since ang alam kong pupuntahan ko eh West Coast hindi Europa! Badtrip ako! Galit ako... Nangigil ako! *wala na akong magagawa kung di mag buntong hininga na lamang.*

Wednesday, February 14, 2007

Pakisabi na lang... [ Ohh Puso Ko... A Valentine's Special Last Episode ]

Okay so today is Valentine's Day! So? Yeah.. yeah... yeah i don't have a date, walang tumawag [para magyaya man lang kahit sa bakery sa Chinatown, ano ba naman yong .50 cents na kape at $1.75 na pok buns diba? Di naman ako ekspensibong babae eh, mababaw lang naman din ang kaligayahan ko. Wala ding nag txt para bumati *maliban na lang sa Lola ko oo Grama ko na humihingi ng phone card arg!... So i guess walang nag ke-ker sa akin.], Sabi ko sa loob-loob ko *so what?, peklat! Pakialam ko, bitter na kung bitter... Call me Bitter Ocampo!*

I guess ang mangyayare sa buhay ko ngayon eh the usual.. Mag-ta-tarbahu ako.. Hindi ako mag blo-blog.. lunurunin ko ang sarili ko sa tarbahu ngayong araw na to... *di ko na papadalan ang sarili ko ng sandamakmak na plowers gastus lang yon eh, alam ko naman sa sarili ko, na sa skin lang din yon galing.. Aba sinong niloko ko?* [malamang bibili ako mga bandang 10 pm para 50% off na sa produce.]

Si Joe na huling alas ko... Na inaasahan ko, Na akala ko kukunsintihin ang mga kabaliwan ko...
Mintis pinagalitan pa kamo ako at gusto yata akong tirisin at huwag na huwag na daw sumulat magpakailanman... As fo-eveh-eveh?... Fo-eveh-evah? Lintek na buhay to.

Ang napala ko sa ginawa ko? You tell me!!!

Oo nanariwa lang lahat ang minsang alala na lang *kasalanan ko to, gumawa pa kasi ako ng Valentine's Special!!!*

... Masakit... Ang minsang bakokang na.., na... Naging peklat ngayoy tila animo naging sugat... *eksema...makati...masarap kamutin!..., habang kinakamot mas sumasarap mas gusto mong galawin*. ARG!

Aalis ako mamaya.. Papuntang Los Angeles para magpahinog... *sinabi ko ito sa isang kaibigan na aalis ako..,at magpapahinog..,mantakin nyong sabihan ba ako ng punta ka pang LA eh di tumambay ka na lang sa bigasan nyo?!&^(_, abay ginawa pa akong prutas ng loka...*

So am off to LA! Yahoo.. Am going to Hollywood... *roll out the red carpet*. And am gonna make it there.., I am diwatangbyaning this is my legacy...

I am gonna pursue my dreams of stardom! *he he he hindi nyo na itatanong..., gusto ko talagang mag artista... ang susunod at papalit kay Carmina... Ako si Carmina Seguoin Reyna he he he....

Since wala naman akong minamahal... May mga kabit ako... *kuha listahan* Reyna Elena, Chuva, Bea, Ross, C5, JC *ang linggo kay kuta*--- mga i gyibsung ko sila ng lab..., alam nyo na yon kung anong lab yon he he he..., from MON-SAT yan..., in-order yan basta pag lunes si Reyna ang givelabs ko he he he...., hindi kaya ng lola nyo mag giblabs sa lahat sa isang araw..., so bawat araw may favorite ako sa nyo na bibisitahin ko sa kani-kanilang mga tahanan at tadang check na lang the results.. k.. starts today... *bunot pangalan....sa garapon...hmm chuva?* ok ikaw daw eh...so...paano ba yan...he he he..




Tuesday, February 13, 2007

Pakisabi na lang... [Ohh Puso Ko... A Valentine's Special. Part III, Joe's Letter ]

Dear Diwa,

There is a reason for everything, good or bad, happy or sad, that comes into our lives. God allows all of these things to happen because he loves us even if we sometimes do not understand his ways.

Let go Diwa. Tama na... Hindi sya nararapat sayo...
*mukang kailangan mo ng isang matinding hambalos sa pader ah!*

Kung ayaw nya eh di, diwag!

Binigyan mo na sya ng ilang pagkakataon tama na yon. Ikaw ang prize dito, hindi siya. Ihinto mo na ang mga kabaliwang pinag-GAGA-gawa mo!

Alam mo ba yong kasabihang...

There's a lot fishes in the sea? Oo. Maraming isda sa karagatan. May Sapsap, Talakitok, Bangus, Dalagang Bukid..., and the list goes on....

Hindi lang iisa ang klase ng isda... Sana alam mo yon! [eh tila yata nang-ngingisda ka sa ilog pasig tapos ang gusto mong mahuli eh Koi?, tama ba duda ko?... O kaya naman nasa tubig dagat ka tapos ang gusto mong hulihin eh hito?, tama ba ulit ang hula ko?].. May kutob ako iisang isda lang ang alam mo eh...

Sana naman ma figure out mo na... *madami ka na sigurong idea ngayon kung ano ang gagawin mo?*

Eh kung hindi ka makahuli baka naman may diprinsya ang fishing rod mo? Marunong ka bang sumised?????

Tandaan mo malawak ang karagatan!

Huwag mong sayangin ang panahon mo. [naway wag ka sanang magagalit sa akin, nagsasabi lang ako ng totoo. At sana nakatulong ako sayo, kahit na gusto kong bambuhin ang matigas mong ulo! Magising ka na sa katotohanan!!!!]...

....Overdue na yang kahibangan mo! Tama na..

At nabasa ko din sa liham mo na kinunsulta mo sila Madam Rosa, Diwa, Lady Dayna, Rose Lim at panghuli ako??? Tama ba ako???
Diwatangbyaning, hindi mo kami kailangan..., Walang ibang makakatulong sayo kundi......


.......Isang Life Coach!!! Yan ang kailangan mo!



Umaasa na sana hindi ka na muling sumulat ulit,
Joe







Pakisabi na lang... [ Ohh Puso Ko... A Valentine's Special Part II ]

Since wala akong ka date, Naisip kong hmmmft bakit hindi ko kaya padalan ang sarili ko sa opisina ng 10 boquet ng bulaklak pahabain ko naman buhok ko!, Buhok na lang nila laging humahaba eh! *At shempre di na ka sign ang nem ko naman!*

At ipagwagaywayan sya sa harap ng mga tao.... Pero pero pero malamang magtatanong ang mga ka tarbahu ko kung sino ang ulol na nagpadala ng flowers sa akin.

So minabuti kong sulatan si Joe D'Mangoesteen! Oo sumulat ako sa Love notes at sumagot sya o diba tarush.

Ito ang nilalaman ng liham ko. Nais kong ibahagi sa inyong lahat!



Dear Joe,

First of all let me greet you and your listener's a warm good morning!

Joe just call me Diwatangbyaning. For some reasons i can't disclose my real identity. May re-PUTA-syon akong inaalagaan. [What matters most playing while Joe's reading my letter.]

I used to listen and watch your program back when i was still in the Phils. I am now residing here in the US.

You see Joe i have this love problem, It's about this girl i really like. Let's just call her Kori...

Please help me Joe, Am tired of thinking.......

Gustong gusto ko si K... Simula pa lang ng makilala ko sya... Mahal ko na nga ata sya eh!

Matagal na din kaming magkakilala pero hindi kami close *feeling close lang kamo*. Kulang kulang isang taon na din sa Hunyo.

Una pa lang na makita ko si K *sinabi ko sa sarili ko na kelangan mapa sa akin sya!*. Tatlong date lang ang kelangan ko para malaman ko kung ano ba talaga [SOP sa akin to lol].... *oo desperada na ako Joe, kung desperada..pero kay K lang ako desperada!!!!*

Yong tatlong date hindi mangyare-yare... Ni hindi pa nga ako nakakaisa eh... At kahit kelan ata hindi ako makaka-isa... Kape lang Joe.. Imagine kape lang ang imbitasyon ko sa umpisa.. Supalpal na agad ako... Olats.. Wala.. Tablado ako... *nangingilid-ngilid na ang mga luha*

Lahat na Joe sinubukan ko....

Nag konsulta na ako kay Madam Rosa. *di naman gumana*

Tinawagan ko na din si Lady Dayna. *para i-pa voodoo... 3 buwan daw kelangan kong antayin*

Nagpunta na din ako sa tindahan ni Rose Lim *oo lintek nagastusan-gastusan pa ako kamo!, Since Horse [hindi Totoy Mola ha] ang aking sign, napabili ako ng di oras nyang mga produkto nya. Yong green rabbit at chenelyn quartz na kelangan daw ilagay ko sa east ng bahay ko. Eh ang masaklap hindi ko alam ang east at west tila yata sa west ko nailagay kaya hindi pa din gumana!*

Malala na Joe kung malala...

Ang huli kong pinag konsultahan eh yong si Diwa. [may kapangalan pala akong mambabarang? baklita syang version?] *shempre ang mga kandila pinagtatali ko at sinindihan dinasalan sa wikang latin... sabi nya kung di daw gumana ang una kong gagawin eh, sumulat daw ako ng lab letter at sunugin tapos lagyan ng asukal.. sa kagustuhan kong gumana na talaga eh binuhusan ko sya ng arnibal....

Ngayon ikaw na lang siguro ang natitira kong alas... Naway ikaw ang makatulong sa puso kong nagdurusa...

May isa pa pala akong kahilingan, Pa request naman nong kantang Pakisabi na lang by Aiza Seguerra po.... Sana po mapagbigyan lahat ang aking kahilingan...

Umaasa sa iyong payo,
Diwatangbyaning


Note:
wala pang response si Joe... inaantay ko pa...
snail mail nya....
pi-nost ko na ang sulat kong ito.. sa kadahilanang may mahaderang
nag lu-lurk dito at atat na atat na.




















Singin' In The Rain



And I'm ready for love., I've a smile on my face.

[I like this version much better, than Gene Kelly's]

nakakaindak...sobra..*diwa doing the uprock and downrock and a baby freeze*

he he he i wish i could do a windmill too, pero sa taba ko hindi ko pa kayang buhatin sarili ko--lol

Monday, February 12, 2007

Eto ako bago ako maadik sa blog....



Oo.. Moleskin challenged ang lola nyo bago mawili sa blog.., Parehas lang naman din eh..

Dahil sa moleskin nag pupuyat din ako... *adik din ako jan eh*

Mga katarantaduhan din ang isinusulat ko..., Yon nga lang nakakapagdrawing ako jan... *lalo na kung hindi ko ma-express in words ang nilalaman ng loob ko*

Eto ang aking analog blog.. Eto ang aking analog notebook.

This was taken at..., my very highly portable studio... *alam nyo naman very limited ang sources ko.. kaya ayan lang ehehehe*

Yeah, Speaking of moleskin.. Maka pag log in kaya ngayon...

Para sa mga nagtatanong...

Madami akong nakuhang email [teka bilangin ko ha...hmmm dalawa pala..diba more than one madami na? hahaha...] *totoo may nag email, hindi ako nag fe-feeling HappySlip Noh!*, at tinatanong bakit daw Pakisabi na lang...ang title ng post ko for Valentine's ano daw ba ang koneksyones non?--tama ka kung sino ka man! *and at the same time mahadera ka!* he he he..joke..joke..joke..[baka mabato ako nito sa sarili kong bahay ah!]

Nagbabasa ka ba???? Hindi ka na ba makaantay????.... Kaya nga may Pre Valentine's at may lumabas nang Ohh Puso Ko Valentine's Special Part I!...[marunong ka pa sa akin eh...palit na lang kaya tayo...ha..ano..ikaw magpakapuyat dito]. Antabayanan mo nang malaman mo! Pede steady pulso ka lang?--benebeyk ko pa no! *at oo nagtataray ako!*

Pakisabi na lang...[ Ohh Puso Ko... A Valentine's Special Part I ]

Katatapos lang ng Pasko at ng Bagong Taon...at heto na naman ang isa pang Holiday na itinuturing natin ang Valentines...*aray..lalo na sa mga kagaya kong single at walang ka DATE--oo wala kaya lech!*


Tandang tanda ko noon sa Pinas na sobrang big deal talaga ang okasyong to! Pag pasok na pagpasok pa lang ng Pebrero lab is in d air na talaga. *gimick sa Tagaytay habang HHWWPSSP [Holding Hands While Walking Pa Sway Sway Pa]


Ang mga boquet galing sa Esperanza's at Holland Tulips. [Na talaga namang Bb. Pilipinas ang feeling mo pag nakatangap ka ng ganito na kung nasa Makati ka eh ang haba ng buhok mo umabot sa Paranque bumalik ng Makati nag side trip sa QC at umikot papuntang Alabang naman naman naman sa haba ng buhok o diba!]

O kung di mo naman feel yong Bb. Pilipinas eh mistulang Sto. Nino ka sa altar naman! he he he...


Isasama ko na din ang mga bars bars ng Goya at rolls ng Goldilocks, at blueberry cheesecake ng Reb Ribbon. [Ewan ko na lang kung hindi ka pa sagutin ng nililigawan mo nyan! ang lala mo na kung ganun]... At at at ang mga Motmot sila ang mas kumikita as in ober book kamo sila, ma pa Sta. Mesa, Pasig o Pasay man! [kaya kayo kung plano nyong mag Motmot agahan nyo! at ihanda na ang mga discount cards jan hehehe]

Paki sabi na lang...[Pre Valentine's]

...I fell in love near some trash can in Philly. With her...
....and this is
what i got ...now you can see me wandering at this park [nakain ng sky flakes..habang tulala...malayo ang tingin na animoy may tinatanaw pero wala naman...saan man ako mapapadpad sa ciudad ng Philadelphia...sya ang laging hanap hanap ko]

Magantay kayo may bi-ne-beyk pa akong goodies for Valentine's he he he

Sunday, February 11, 2007

Pagbabalik loob?

Heart of Worship
By: Matt Redmann


When the music fades
All is stripped away
And I simply come
Longing just to bring
Something that's of worth
That will bless your heart

I'll bring you more than a song
For a song in itself
Is not what you have required
You search much deeper within
Through the way things appear
You're looking into my heart

I'm coming back to the heart of worship
And it's all about you
It's all about you, Jesus
I'm sorry Lord for the thing I've made it
When it's all about you
It's all about you, Jesus
King of endless worth

No-one could express
How much you deserve
Though I'm weak and poor
All I have is yours
Every single breath

I'll bring you more than a song
For a song in itself
Is not what you have required
You search much deeper within
Through the way things appear
You're looking into my heart

I'm coming back to the heart of worship
And it's all about you
It's all about you, Jesus
I'm sorry Lord for the thing I've made it
When it's all about you
It's all about you, Jesus

[Wala lang!, Heeh heh touch lang ang lola Diwa sa lyrics nitong kanta. Kung di nyo alam...Nagsisimba din naman ako=P....]

Makasalanan kasi ako kaya relate ako. *sino bang hindi diba?, lahat naman tayo makasalanan eh*

I need a rest and alot of sleep.....

Pagod na pagod ang lola nyo nitong mga nakalipas na araw! Dahil na rin siguro sa stress jan sa coming out party na yan. *literal na nakahinga na ako ng maluwag lol* So ang gagawin ko ngayon maghapon. Buong linggo eh ito!

I like sleeping, actually i can sleep 12 hrs or 15 hrs straight! [beat that] *may tatalo pa ba jan?, Parang nag duty o diba?* .., Why i like it???? Cause when i sleep... Idream.




Is it thou?--i ain't bavard!


Is it really a sin? is it? eh..ah eh..ah ahh..argh..ooh my god, am i bavard?,--i ain't bavard! *with a very strong bristolian accent*
It's just like having brown eyes, curly hair or being left handed! What do you think?










Thursday, February 8, 2007

Me, Myself & Stella




Todo na itoh! [This is it!]. Hay nako kelangan ko ng beer after this posting ha! as in hilong hilo na lola nyo jan sa mga pag intindi ng ad-cents na yan! *nakakaloka!!!!*


Btw i want y'all to meet Stella! Yeah her name is Stella Artois. *kala nyo jowa ko noh?*


Sabi ko naman diba from the start pa lang...ang gusto ko photoblog..hindi naman kasi ako writer eh, wa ako talent jan!--he he he *baka kung anu-anong kagagahan lang isulat ko jan eh*


So welcome nyo naman ako!--lol