Thursday, March 8, 2007

My Day Off (Thursday. Day 1)

Nag request ako ng off. Wala lang gusto ko lang! Kahit na alam kong wala akong gagawin, tipo bang gusto ko lang... Magpahinga?

Plano kong magtulog maghapon, sa kadahilanang gusto kong makabawi sa mga puyat na ginagawa ko.
Tinanghali na ako ng gising. Nagising lang ako dahil sa ki-ri-ring ng telepano *Tawag mula sa Kalipornya. Mula sa isang kaibigan na gustong makipag-chismisan!* 6:45am ako nagising to be exact! *... Lintek na tawag yan o mula sa West Coast. I wonder kung natutulog pa sya?*

Diwa: He-he-he-lloo *Antok na antok na sagot sa telepano*

Bruhang taga Kalipornya: Kamusta ka na? Miss na kita! *Excited na sabi nya*

Diwa: Ahh [Hikab... A-aa-no? Buntong hininga]... Ookay lang ako, I guess *Antok na antok kong sagot!*

Bruhang taga kalipornya: May MySpace ka ba? O Friendster? May jowa ka ba ngayon?

Diwa: Medyo naloka ako sa tanong nya ha *Gusto kong sabihin na ARE YOU ON SOMETHING????? KITA MONG TULOG PA AKO EH!* Hindi na lang ako sumagot kasi talagang antok na antok ang lola nyo! Hanggang sa sya mismo ang makapansin na akoy hinbing na himbing pa sa pagkakatulog ko, at kusa na din syang nagpaalam.

Hindi na ako nakatulog. Hindi na ako makagawa ng tulog ulit. Wala na yong antok moment ko. Tinawagan ko sya after 5 mins at minura!

Since maaga ako nagising para yatang feel kong pumunta sa NY o sa DC [Sa Philippine Consulate, at doon gawin ang pagdedemanda, marcha at hunger strike ko sa pag sibak sa aking addcents!]... Pero malamig pa din kanina nasa 30's F ang temperature sa labas... Baka pulmonyahin lang ako... *Nawala na nga ang addcents ko at eto't haghahanap pa ako ng sakit ng katawan.*

Sa makatuwid, naglinis na lang ako ng bahay at inaruga ang anak. [Ano ngayon kung ako'y isang lesbian mom?] *Naman kung sinu-sinong bahay ang linilinisan ako at anak ng kung sino-sino inaaruga ko. Ako naman ngayon, sabi ko sa aking sarili!*

***IMAGE HAS BEEN DELETED***

Ekkk... Nakikita nyo ba yan??? Mga basura ko yan. Laman ng aking closet. Karumaldumal! Ewan ko ba... Lahat na ata ng basura nasa aking aparador na... Mga basura ko pa yan simula pa ng dumating ako dito sa Hamerika! Mga basura ko sa Pinas hindi ko pa din itinapon instead dinala ko pa sila dito. *Mana ata ako sa Lola ko sa side ng Nanay ko. Yong Italyanang-Hudyo na yon dami din nong basura eh... Imagine she has Rye bread in her freezer from 1985!!! Feeling nya kasi panahon pa ng Genocide, Potato and Bread Famine.* Haayy...

Mabalik tayo sa aking basura... Name it! Basyo ng bote ng kung anik anik na perfume na naman wala ng laman pero bakit hindi pa din itapon?

DVD ng mga kung sinong Chekwa na hindi ko naman kilala at naiintindihan ang wikang Mandarin pero anjan sa aking closet naka tago!

Mga coupon sa grocery na expired na naman pero tinatago ko pa din. [Lintek na buhay to o.]

Mga pichuraka at sulat ng mga babae ko na lipas na din pero anjan pa din nakatago pa din. *Naalala ko pa tuloy yong mga buset na yon! HmpT*

Metro card na wala namang laman. Libro na hindi ko naman maintindihan ang point.

Mga recibo.

Rim ng Marlboro Lights? Na anjan lang nagaantay na hit-hitin ko sya. [Hindi ako naninigarilyo ng lights... Hope at Phillip Morris lang ang pinapatulan ko.]

Ekkk may screw-driver pa... Screw me!

Ang mga naunang project ko mga drawing sa canvas at cross-stitch noon 19kupong kupong pa na nagaatabay sa akin kung kelan ko sya gagawin ulit. *Hayyy naku hindi ko na nakunan pa ang iba hindi na kasi kasya eh. *Aktwali, kaya ko naisipan mag-linis ng aparador kasi may hinahanap ako... Yong pamana sa akin ng Nanay ko na mga sinulid pang cross-stitch... Hindi ko tatapusin ang project kong cross-stitch trip ko lang hanapin ang mga bulto-bultong napamanahan ko sa yumao kong Ina. Hanggan sa na OC-OC na ako kanina sa paglinis... Ang saya-saya ng aking DAY-OFF!*

Nga pala while lukring na lukring ako sa mga basura itech... Tumawag si Doreen ang mayordoma sa pinagtatarbahuhan ko... Idol ko yang si Doreen... Sabi ko sa sarili ko pagtanda ko gusto kong maging si Doreen... Presentable. Maganda muka at katawan. Hindi halata ang ichura nya sa edad nya. Naka 325 . Dami anda. Pa-byahe-byahe kung saan-saan Europa, Pinas, Hamerika, Tibet, Zaire, Uganda, Mozambique, Iraq... Di lang yan. Halos lahat na ata ng may Republic at tan na word na Bansa eh napuntahan nyang si Doreen... Dominican Republic, Republic of China, Congo Republic isama na din natin ang Banana Republic! Uzbekistan, Tajikistan at Afganistan! *Whoa hinigal ako doon ah*

Doreen: Hello Diwa! Nasaan ka? Anong ginagawa mo? Ano naghilata ka na naman maghapon? Di ka lumabas at nagpasikat sa arawan? Sa loob ka lang ng bahay maghapon? Alam mo ba? *Takot na tono sa kanyang boses! Nang itanong sa akin ang huling tanong na alam mo ba?*

Diwa: TEKA-- Hinga ka muna! *Abot tubig he he he ay nasa telepano pala kami.* A-ano. Anong alam ko na ba? [Naman kasi eh dere-derecho ka magsalita eh nirarat-rat mo ako ng mga tanong agad eh! At hindi ako magsasaka para tumambay sa arawan... Ke lamig lamig noh! Ano na naman kayang kabalbalan ang nagawa ko at tumawag to... Nakabasag ba ako? Di ko na nalinis ang bathtub ng amo namin? *Kabado na ako*

Doreen: May mga parak dito simula pa kaninang umaga! Sampu sila! May mga dalang armalite. At may nakasulat pang S-W-A-T o Narcotics Dept., sa shirts nila! Naka Mega-Phone pa sila. Hinarangan ang grahe natin ng mga sasakyan nila! Hindi tuloy makapasok mga tao dito ngayon! Nakatambay sila ngayon sa Pantry habang patay ang ilaw! *Totoong nangyare to kanina, hindi ko kayo inuulol!*

Diwa: Ba-ba-baket? *Wala akong natatandaang nagtanim ako ng Coca at Mary Jane sa hardin namin!* [Nauutal-utal kong tanung sa kanya.] *Kabado ako. Wala naman din akong natatandaan na may mi-no-lestya ko sa inyternet! Di kaya dahil sa paratang na invalid kliks sa akin ng googal? Tanong ko sa loob ko. Naku patay ako sa amo ko. Buko ako na naga blogging ako sa tarbahu*

Doreen: May kapit bahay ata tayong durugista dito eh! *Ayan ayan nagtatakbuhan nanaman sila sa labas... Takot na sabi ni Doreen... Kasi may lumabas na sa pinto sa kapit-bahay, kinapkapan ang babae... Pinalalabas ang lalake sa loob ng bahay at pinasusuko na! Habang sumisigaw daw ang mga lespu sa megaphone nila.*

Diwa: *Hingga maluwag haaayy! Kala ko pa naman kukumpiskahin na nila PC ko sa tarbahu! LOL.*

Kala ko pa naman itong lugar natin sa SNJ ang da best? Ke mahal mahal ng taxes na binabayaran natin sabay drug-addict infested pala dito??? *Chika ko ke Doreen*

***IMAGE HAS BEEN DELETED***

After kong makunsumi sa mga basura eto ako...

*Alam ko... Alam ko! Yong knuckles ko... Hindi po ako construction worker! Labandera... Old skool ako eh... I hate technology... Kaya may i laba using Camay!*

15 comments:

Anonymous said...

ANO BA NAMANG KNUCKLES YAN, MISTULANG FULL TIME SPARRING PARTNER NI MANNY PAQUIAO!@#$@$!#

~PARKER

Anonymous said...

EH LABANDERA EH!-- PARKER JR.

Anonymous said...

SUNTUKAN TAYO!!!!!!
-PARKER III

Anonymous said...

TIGILAN NYO NANG MGA KABALBALAN NYO PARKER'S *AWAT NA*

~PARKERIV

Anonymous said...

MAGSAMA SAMA KAYONG LAHAT!!!

PARKER V

Anonymous said...

PAG UNTOG UNTUGIN KO MGA ULO NYO EH!!!! PARKER VI

Anonymous said...

PATI AKO KASAMA?

PARKERVII

Anonymous said...

EH AKO CROSS AKO -- HINDI AKO SI PARKER!

SA SUSUNOD, LINAW-LINAWAN ANG MGA PIKCHURAKA. EH SA TINGIN KO LASING KA NUNG PINAGKUKUKUHA MO YANG MGA PIKCHURAKANG YAN EH.

TULOG KA NA BA?

CROSS 1

Anonymous said...

ASAN KA NA? HINDI PA AKO TULOG!

PILOT!

Admin said...

diwa ok ka lang po?

hehe ikaw lahat yan eh...

i like your posts, nae-express mong mabuti ang sarili mo...i'm glad you didn't stop blogging...

nga pala, may nakita akong site...actually nabasa ko sa Times Magazine...been voted and won as 2004 and 2005 Best Asian Blog...walang google ads (binisita ko) pero she's earning big sum sa site nya... puro sponsored links lang...you might want to check it out...

ako wala pang balak mag-blog hehe..

take care. ^_^

Admin said...

haha i forgot to write the blog link:

eto po yun: xiaxue.blogspot.com

reyna at mga diwata, wag kayo papatalo ha...

Asian din sya, singaporean...filipinos are way better than her...so keep on blogging...^_^

diwata said...

Mga engkanto yan JC! lol

diwata said...

JC hindi ako yan pangako! Muka na ba akong timang talaga? he he he...
Sinabi ko nga yan sa nanay mo eh.

C5 said...

Diwa, gawa ka ng english version...b2p ka! ako pumasa na gawa ko! check mo sa http://ceefive.i.ph kaya ekskayted ako! walang adsints dun! 1.7k din! hehehe

diwata said...

ayaw ko non. lol baka kung saan ako mapunta