Wednesday, March 7, 2007

Ang mga pangarap ko unti-unting...

Nawasak!!!
Hinding-hindi ko makakalimutan ang petsang Ika 6 ng Marso, bandang alas 11 ng gabi ng madiskubre kong kinansela na ang aking adcents akawnt! *Pinapahidan ang luha na namumuo sa gilid ng aking mga mata*
Ang saya saya ko pa man din kahapon. Dahil nakapagsimula na ang bago kong blog na Methelioma Info. At nagbabalak pa nga akong magdagdag ng mga hmm 10 pang mga blog! Lahat aankinin ko... Meron na akong Loans et al... May Mesothelioma na ako... Plano ko kagabi gumawa pa ng ibang blog DUI chenalyn et al... Anti-Aging chenalyn et al... Basta lahat ng reach chenalyn words gagawan ko ng blog.
Nang mag log ako sa akawnt ko may mensahe... Tila tinabla na daw ang aking akawnt... *Nanlalake ang mga mata habang binabasa ang mensahe at ang email ng googal*... Unti-unti akong nalombay... Ang dating diwata na may buhay ay tila parang namatayan. [Naman kasi pera na naging bato pa! Ayaw ko ng bato hindi ako si Ding!] *Magulang din ang googal porket nadiskubre ko na ang reach chenalyn words ganun na lang ang ginawa nilang pananabla sa akin... Eh ang taas-taas ng rating ko noh!*
Nagsumbong agad ako sa isang blogger... At ang blogger na ito tinawagan at iki-nunference ang isa pang blogger... *Hindi ko pwedeng sabihin ang pangalan ng mga kapwang blogger. Dahil under invetigayshun ito ngayon malamang at baka mamaya pati sila eh sinusuyod na din ng mga lintak na empleyado ng googal!*
Ikinuwento ko lang ang nangyare sa akin para pati sila makapag-ingat... Humingi ako ng payo kung anong apila ang gagawin ko... *Ang masasabi ko lang leche nila kinansel nila? I ain't bovard!***Hagis stuff toys sa harap ng tv...kinuha ang beer...tinunga na parang tubig...[Gulp...gulp...gulp...] Lumabas ng pinto ng kwarto sabay inihagis...[Blag... BLAG... Blag] Pumsok ulit ng kwarto na pahagis ulit ng pinto [Blag... BLAG... Blag] Wala naman akong gagawin pala sa labas... Trip ko lang ihagis yong pinto... HINDI AKO APEKTADO!!! HINDE!!! HINDE!!! HINDE!!!
Sayang lang... Ang mga pinagpuyatan ko... Napunta sa wala... Ako ang nag tanim, ako ang nag bayo sa huli wala din. Pangarap ko pa naman bumili ng bagong La Germaniang Notebook, gamit ang perang kikitain dito... Haayy... *Malakas ng buntong hininga* At kung swe-sweretihin eh bibili na din ako ng CONDO sa Center City!!!! *Nakapamewang habang nagsasalitype*
Pero mabuti na din yon... Makakatulog na ako ng maaga ngayon... *Wala nang dahilan para magpakapuyat-puyat ako* Hindi na ako magmumukang bangkay... Na tipong isang bulate na lang ang di pumipirma sa kakapuyat dahil 2 oras lang ang naitulog ko sa lecheng blogditis kong sakit... Wala na akong excuse na busy ako... Masasagot ko na ang lahat ng phone calls ko... Makakapag craigslist na ulit ako *Woot-woot*... Maasikaso ko na ng mabuti ang negosyo ko. Makaka reply na ako sa mga msgs sa yahoo personals ko... Makakatambay na ulit ako sa Barnes and Noble at magantay ng hada maghapon... Goodbye blog! *Pahid luha... Pahid sipon...[Singa... Singaa... Achoo...] **POOF**
Kung makikita nyo doon>>>>>>>> Oo yoon>>>>> Hindi ko pa din tinatangal dahil gusto kong gunitain ang sakit na nangyare sa akin kagabi. *Buhuhuhuhuh*

4 comments:

Anonymous said...

Diwa- late nako nka reply sa email mo kasi rumaket pa aketch, cenxa kna. Eh ano kaya kung ilipat mo ang blog mo sa i.ph yung katulad ng ke bea tapos mag b2p ba yun, hehehe sowee di ko naiintindihan yun eh pero may anda pa rin naman yun davah saka iba naman yung b2p sa gagong edsents davah

diwata said...

oo magtatampo na nga sana ako sayo eh!

oks lang kahit wa na atik dito. timang naman ako eh. he he he

pero shempre mas masarap at nakaka-engano pag may konting atik na papasok diba?--lol

balik-balik lang Mam! salamat sa pagbisita!

diwata said...

Mam vacant ka ba? Aga namang vacant nyan! 6:25 am lol... Kita kita kasi eh... P. Union High! he he he...

reyna elena said...

a ewan! hanggang ngayon depress pa rin akoooooo!!!!!!!