Ang Lola ko
Hay nako pagod na pagod, stress na stress ang lola nyo nitong mga nakaraang araw! [Dalawa sa mga Nurse's kong costumer kung makatawad naman! Kung sino pa ang malakas kumita yon pa ang makunat!]
Kagabi halos alas 12 ng hating-gabi na ako nakauwi.
Mula sa tarbahu, dumerecho na agad ako Ospital para dalawin ang Lola ko.
Kulang-kulang mag ala siete ng nakadating ako ng Ospital. [Umaasang tapos na ang procedure nya.]
Oo tapos nang gawin ang kanang paa, at sisimulan pa lang kaliwang paa. [Eh kelangan daw may relathieves sa letcheng waiting room ng surgery chuvalei!] Nagsimula silang maggawan ng paa ng mga bandang alas tres ng hapon. *Hindi pa man din ako nakakain ng hapunan. Gutom na gutom ako. Halos maubos na barya ko sa buset na pagkamahal-mahal ng tinda ng vending machine doon.]
Buti na lang may mga kilala akong Penoy sa Lab ng Hematology. *Nakikain ako ng dinuguan at ng adobo.* [Sabi ng isang Med.Tech pupunta daw sya muna sa Morgue para kunin yong putol na paa... Nagulantang ako... Baka kako sa Lola ko iyon... Nagbalik ang Med.Tech di daw sa Lola ko yon... Nyeta! Sana kanya na lang lol]
Pumanik na ako sa kwarto kung saan sya ilalagay. [May mga isang oras pa din ako naghintay doon. Waaahhh, buti na lang may R.N. na cute dahil kung hindi mag-aamok na talaga ako.]
Takang-taka lang ako kung bakit napaka tagal ng kanyang procedure... [Sana isinama na yong dila at bibig... Sana naisipan nilang iklian yong dila at tahiin ng mabuti yong bibig... He he he... Don't get me wrong, I love my lola to death! As in... Gusto ko syang patayin! LOL.]
Nakita ko na Lola ko sa wakas. *Okay naman siguro ang operasyon. Nahinga pa sya eh. Groggy nga lang.* Binati ko... Nagbigay galang ako... Pero hilo eh... Sabi sya ng sabi ng heavy na animo naghihingalo sa pagbangit ng mga katagang ito habang di maipinta ang muka nya. Sana lagi syang ganito, ganito katahimik *Inasar-asar ko na nga since alam kong hindi sya makakaalma... LOLA HI... IT'S A BOY! AKIN ANG BATIK HA! [Natawa ako sa loob ko. Meron kasi syang blooper na biglang nag Flash sa utak ko... I WILL COLAPSE! Mga 2 years ago, naoperahan din sya noon sa sakit walang masabi kung di i will colapse sa Doktor.]
Malakas pa ang Lola ko. Yon nga lang hirap na maglakad. Malakas sya! Malakas pa ang bibig sa pag talak. He he he...
No comments:
Post a Comment