My Day Off (Friday.Day2)
Today's the last day of my day off! I wish there's a day 3, day 4, day 5, day 6, day 7... Lahat na ng day! Wala nang pasok-pasukan! *He he he... Ganun talaga, tsk something good has to end... Back to reality na-naman ako bukas.*
I told myself i need to do something more productive compared to Day 1 noh!
So i set an appointment with my favorite barbero, kasi naman ang buhok ko parang buhok na ng mangkukulam sa haba.
Tinawagan ko si Chuva at si Speak para i-meet ako for lunch ng makalibre naman ako *Shempre diba. Talagang itinaon kong lunch break nila. Di ko nakakalimutan ang formula ritz=bespren. Purihin kita giblab mo ko. Mga turo ng Inang Reyna.*
Sinuyod ko ata ang Ciudad ng Center City-- Biruin nyo, Nasa 6th and Market na ako, napunta pa ako ng 10th and Market para kumuha ng atik sa ATM [Gumana na naman ang pagka Ekonomista ko. Aba $3.00 din matitipid ko doon no! Kahit suyurin ko ang buong ke-Menila-an hindi ako makakapulot ng $3.00! Take note bitbit ko ang tila isang toneladang bag ko!] Nang makakuha na ako ng atik, balik na naman sa 6th and Market para kitain ang mga bruhang sila Chuva at Speak! *For safety lang yong wi-nid-draw ko. Ayaw ko naman ng nakakatunga-nga lang ako sa kanila habang nakain sila kung hindi nila ako ililibre.*
Nakaraos na tanghalian ko. Late na ako sa appointment ko. Bumalik na naman ako... sa 9th and Market *Buset na buhay to o! Pero hindi pa din ako makapag decide kung anong gagawin ko after ng gupitan.*
Natapos na ang gupitan party. Nagugulumihanan ako kung saan na ako pa-pad-pad nito... Kung mag Flower Show ako o Museum. *Pareho kasing may bayad eh. Kung libre hindi ko na kelangan pagisipan yon! Haaayyy. [Malakas na malakas na malakas na buntong hininga!]
Bahala na kung saan ako dalahin ng mga paa ko. Naglakad-lakad ako. Hanggang sa dulo ng walang hanggan...
Eto ang kweba ng City Hall. Matagal-tagal na din akong hindi napad-pad sa lugar na ito. Noon kasi halos araw-araw andine ako. Tarbahu ko kasi noon errand girl/taga langhap ng mga alikabok sa Ciudad. So lakad dito, lakad doon dramuh ko noon.
Nagsawa na ako sa City Hall. Kaya lumipat naman ako sa kabilang kalsada. Na may malalaking dominoes, mga alagad sa chess. *Di ko na kinunan yon kasi mukang walang kwenta mga tao doon eh.*
Ayan ang ibidinsya. malaking plantsa. Natuwa ako doon sa mga bata kaya kinunan ko. *Sayang across pa pala nitong street na to may malaking sipit. Oo sipit, nakalimutan kong kunan. *Kamut-kamut ulo.*
Hindi pa din ako napagod naglakad-lakad pa ako further down the street. *Dala pa din ang isang toneladang bigat ng bag ko.*
Ayan ang Love Park during Winter. Balak ko sana pumunta sa Rittenhouse Park ang paborito ko, kaya lang wala sya sa family way.
Mapapalayo ako! *At saka baka may makita na naman ako doon eh. Wag na lang. Umiiwas na nga ako eh.*
Hala sige lakad lang. kahit na muka na akong transient sa ichura ko dahil sa bit-bit kong bag. *Rawr!*
Muganda ang Fountain na ito lalo na pag Summer. Mudaming tao, matanda at lalo na mga bata na nagtatampisaw. *Makiki-hugas sana ako ng kamay, kaya ako pumunta dito. Eh sarado pala pag Winter ang tubig. Kaines!*
Yan si Barry. Jan ko sya natagpuan sa Fountain.
Tila kakatapus lang ata nya kumain. Masuerte ako at mubait si Barry. Hindi sya nagdalawang isip na magpa kuha ng litrato sa akin. Mukang sanay na sanay sya. *Yan ang mga gusto ko! Wa kieme! Pag sinabing just be yourself. Be yourself, lang ang mokong o diva!* [Okay Barry just be yourself! Don't think am here. Just do what your doing okay!]
Nagusap pa kami ni Barry. Tinanong ko sya kung ilang taon na syang homeless at anong ginagawa nya noon bago sya maging ganito.
Diwa: So, Barry how long have you been living like this?
Barry: For almost five years now.
Diwa: Whoa, That is quiet a long time now.
Barry: What can i do? I was disowned by my son.
Diwa: *Di ko na inusisa kung bakit, di pa naman kami close eh.* What were you doing before you became like this?
Barry: I was a Vietnam Veteran. See i lost my leg from that freakin war!)(&&%%##@
Diwa: Ah okay. Am sorry.
Ang kapalit ng litrato eh isang sigarilyo at .50 cents *Not bad!* Yan ang hiningi nya eh! [Wag nyo akong paparatangan na makunat ako. Yan ang hiningi nya so ibigay ang hilig! Madali akong kausap no!]
Interesado ako sa mga kagaya ni Barry. Gusto kong alamin ang istorya nilang lahat. Kung bakit sila naging ganyan.
Na-late nga ako eh. Di ko na naabutan ang mga kagaya ni Barry sa soup kitchen na malapit kung saan kami nagkakilala. *E di sana mas maganda ang entry ko ngayon! Sabay snap ng fingers!*
Nagpaalam na ako kay Barry. Binigyan ko pa sya ng ilang sigarilyo at $5.00! *Sabi ko magkikita kami ulit baka sa susunod na bwan. At sabi ko sa kanya sana makabili na sya ng bagong damit sa ibinigay kong pera.*
Di pa natapos jan ang aking trekking! Walan-jo! Hindi nga ako nag work-out ng isang bwan. Pero sa ginawa ko kanina. Para akong umakyat panaog sa Mt. Everest! Ngarl!!!
Di ako sumuko...
Pumunta ako sa Art Museum. Tambay lang. Pahinga. Baka sakaling makakita ako ng hinahanap ko. *Hindi si Kori ha! Wag nyo akong pangunahan!*
*Buntong hininga... Hingal-hingal lintak na mga hagdan to... Para akong aatakehin sa puso sa pag-akyat dito. Parang hagdan sa Grotto sa Baguio! Nak ng pating!*
Wala akong nakita... Eto lang mamang to.
Ano kaya ang sinisipat-sipat nya doon? *Tingin din ako sa lente ko sa dereksyon, kung saan sya nakatingin. Nyeta unu-ulol ako nitong mamang to! Wala naman masisipat doon eh.*
Espiya ata ito eh. Dectective. Sinisipat ata ang bintana ng Sheraton. Kung saan naka check-in yong magkalaguyong pinasusundan sa kanya.
Am on top of the World! *Feeling ko mala Titanic ako sa tuktpk ng Museum.*
Nakita nyo ba yan? Yan si George Washington tapos yong isang nasa malayo, yon si Ben Franklin ang City Hall! *Na-i-imagine nyo ba ang nilakad ko? Kung gaano kalayo? Dala ang isang toneladang bag ko?*
Andito pa din ako sa taas. Ayaw ko na bumaba. Masarap pala ang nasa itaas... He he he...
Yan si Kathleen at si Rick. Jan ko lang din nakilala yang dalawang yan kanina. Mabait din yang dalawang yan. At napapayag kong mag pag litrato.
Ang unang tanong sa akin ni Rick... Filipino or Korean? Aba eh di Penoy. Sabay sya din pala. Nag kwentuhan pa kamo kami.
Ang kapalit ng litrato nila? I-vi-nedeo ko sila.
Kaya lang may katangahan sa pag video ko. Na video boses ko at conversations namin! *Ahahaha...*
Punyeta nga eh. Naalala ko. Ako ang ini-enterview. Ano ba yon! Diba dapat ako. Syet na malagkit... Nagkadikit-dikit.
Ayan pauwi na ako. Nakikita nyo ba tong mahabang daan na to? Yan ang babay-bayin ko ulit! Waaahhhh... Inay asan ka ba? Asan ka ba ng kailangan kita?
Nag dilang angel ata ako. Kasi biglang tumawag si Inang! Kala ko alam nya na nasa Ciudad ako at makiki-chika.
Reyn: Oy Diwa, Asan ka?
Diwa: Andito sa Ciudad.
Reyn: May itatanong sana ako sayo eh. Yosi tayo.
Diwa: Wala ako sa tarbahu. Off ako ngayon. Tara yosi tayo! Saan ka pupuntahan kita!
Reyn: Nasa 21st and chestnut ako. Sa Tarbahu ko.
Diwa: Ay tamang-tama nasa 21st na ako! Give me 5 mins. Anjan na ako. *Yan naman ang gusto ko eh. Libre na lunch. Llibre pa ang meryenda! He he he* [Ritz=Bespren Formula! Todo na itoh.]
Makaraan ang limang minuto.
Diwa: Reyn Andito na ako! Asan ka?
Reyn: Give me 10 mins. *Mukang busy at may kausap ata sa harap nya.*
Antagal kong nagantay... Lintak na 10 mins yan o. Nasa kanto lang ako nakatayo. *Sabi nya kasi 21st and Chestnut eh.* Inaaliaw ang sarili ko...
Nang makita ko ito... Hmpt! I wonder how much is a bottom. Yon agad ang nasagot ko sa isip ko.
*Ngak-ngak-ngak*
Nakaraan na ang ilang minuto. Ayan si Reyn natawag na.
Reyn: Asan ka?
Diwa: Abay nasa 21st and Chestnut po ako. Sabi mo dito diba? Asa kanto ako.
Reyn: Di jan. Pumunta ka dito sa 20th and Chestnut! Ayan nakikita na ata kita!
Diwa: O sige bye. Nakita na din kita.
Walanghiyang Reyn ito nililigaw pa ako! Ayaw pa sabihin kung saan sya. Hindi ko naman sya ki-kid-napin!
I was so beat! *Pagod na pagod ako, pudpod na sapatos ko. May kalyo na bawat dariri sa paa ko. But i think everthing was worth it! Haayy...
***Please watch out for my upcoming speacials.***
About :
Reyna Elena!!!
San Franciso (Mission Street and Civic Center)
Los Angeles (East L.A.)
I still have to get an approval with my Agent on my San Francisco and Los Angeles plans. We still have to talk to our sponsors.
Yong kay Reyn kahit sa isang linggo pwede na yan eh he he he...
21 comments:
*lipat ng ring* BOKSING ULI TAYO, SAYANG YANG MGA KNUCKLES MONG SINLAKI NG JOLEN! PATI BINTI MO SIGURO LUMAKI NA RIN KAKALAKAD MO, ANO LALABAN KA NA?????
-PARKER
*KAKASA KA BA?* PALUIN KAYA KITA NG BINTI KONG KASINGLAKI NA NG PALO-PALO????????
-PARKER JR.
*ABOT NG MUSCLE RELAXANT AT BENGAY KAY PARKER JR.* O AYAN, WAG KA NANG MAGREKLAMO. IPAHID MO YAN SA PALU-PALO MO.
-PARKERIII
SASAGASAAN KO NG PISON YANG KNUCKLES AT BINTI MO PARA LUMIIT!!!
PARKER IV
haha kalma lang diwa...
ang mga split persona mo dumadami ah hehehe
salamat sa pag-tour sa kin, i love this post, esp the pics you took...pinasaya mo na naman ako sa katimangan mo hehe...
Hindi ako si Parker Tita.
Kala mo na uulol na naman ako at walang nag co-comment dito kaya pati sarili kong entry ki-no-komentuhan ko? lol
Parker, Tara suntukan na lang tayo! Pero teka... Lalake ka ba? Sa babae lang ako napatol paano ba yan? *On a hamon tone!*
Diwa - - I love this post!!!!!!!! Ang galing mo talaga! Sabi ko na sa yo dapat maging photo journalist ka na lang eh.
Ang galing ng mga shots, nainggit tuloy ako. Dapat binili ko na lang SLR kaisa notebook! Syet.
Don't worry - - pag-nakahinga, bili rin ako ng SLR tapos take tayo ng photography classes okay?
More power! Ang ganda talaga ng mga shots mo!
SUNTUKAN? PALIBHASA MALA JOLEN ANG MGA KNUCKLES MO! SIGE, PERO ANG SUOT MO BOXING GLOVES WITH EXTRA THICK CUSHION!
PARKER V
Chuva balik balik lang may mga serprises pa ako. Dahil pakiramdam ko araw araw na ako off! he he he... Nga pala i am gonna take some classes madami pang kelangan matutunan.. Siguro pag nakaluwag na... Busy kasi ako eh, alam mo na.
How i wish may makasama na ako sa mga trips and sessions ko!
Malungkot mag isa... =P
Tara Paker V fight na tayo! PAPATULAN NA TALAGA KITA!!!!!!!=P
Oist, Diwa! Para di ka ma lonely at may kasama ka sa mga trips mo, why not ask Barry? Maghanda ka lang ng maraming yosi pang bribe sa kanya at presto, di ka na nag iisa!!!!
teachergee - - huwag mo namang sabihin na isama niya si Barry. Baka mag-kadebelopan yang dalawang yan.
Alam mo naman yang si Diwa, mapusok yan.. :D
Muhal ko na si Barry! Na-aakit ako sa kanya!
hehe sino po si barry?
hahaha!!! grabe Diwa ang galing mo! Pinagod mo ako!
JC, si Barry, yung hindi nya bespren kasi hindi Ritz... hehehe
May tanong ako...yung fountain na kinunan mo, saan lumalabas ang tubig? *juz wundrin...* :D
nakita mo ba yong banga na hawak nila? doon nalabas at sa gitna
nyeta hindi pala banga... isda pala lol.. sori bangag ako ngayon...
Bakit Cee- saan mo gustong lumabas yung tubig, hmmmm?
diwa ha! talagang inistok ako!!! nyeta! nagmayabang pa naman ako na kesyo VP ako nang whatever chuvalais fortune 500 company eh mukhang malalaman na fortune cookie company pala ako nag-wowork!!! hinay lang nang paglabas sakin baka batuhin ako nang panis na fortune cookies!!!
humanda ka! ibubulgar kita!
Post a Comment