Saturday, March 31, 2007
Friday, March 30, 2007
Diwata Production Presents... My Pre-Lenten Special.
Oh my gawd speaking of Ms. Michelle naalala ko na-naman muntik ko nang gulpihin yang babaing yan. After kong malaman na naghalikan sila ni Kori nong nalasing sila! ARG &%%$@%%^(_) BLAG! BLAG! BLAG! Parang gusto ko na naman atang mag amok ngayon! Kungdi lang kagalang-galang ang Ms. Michelle nakup!*
I´m a barbie girl, in a barbie world
Life in plastic, it´s fantastic.
You can brush my hair, undress me everywhere.
Imagination, that is your creation.
Ang mga talipandas na Barbie ganito pala ang ginagawa kapag wala si Ken!!!
Eto pa, pasaway ata masyado to. Kaya nga nagiisip mabuti ang mga tunay na modelo sa pag-sign ng contract kasi naman talagang pasaway ang mga papagawa ko sa kanila! After mag kangkangan ihuhulog ko silang dulawa sa hagdan! He he he...
[Kapag tigang ka nga naman kung ano-ano na naiisip mo!] Next week wala muna akong ganito. Dieta ako sa kamunduhan! Mangingilin ako kahit na hindi ako Katoliko Romano.
I knew i was different when i first like my elder brother's toys! As a small kid i already knew how to use trickery. I would bribe him anything/everything i own just to play with his toys.
I remember my Mum used to buy me alot of Barbie dolls and it's different clothes. But my Barbie's never went to the beauty parlor or didn't even do any girly stuffs at all. But instead this what they do! For real. My parent's even caught me doing this kind of stuffs to my dolls LOL. They were horrified!
I always ask my Mum to buy me toy trucks and G.I Joe dolls. But she always refused to.
Diwa: Mum can you please buy me G.I Joe! IWANT G.I.JOE and TRANSFORMERS!!! *Isn't that what every Mother wants to hear? He he he.*
Mum: No anak, that's gonna make you a BIG lesbian!
My Mother refused to buy me the toys that i wanted. Which is ridiculous. Cause G.I JOE won't turn me into a BIG lesbian. BARBIE will!
Posted by diwata at 11:50 PM 7 comments
Labels: Barbie
Tuesday, March 27, 2007
Weee it's almost summer already.
Oh my gawd, I so cun't believe it! It was so effin' hot today. It's about 80 degrees, and the thing is it's not summer yet! I heat it... Ask me why? %)(%$!*&^$# Naman! Jina-Jabar ako! [My under arms are really sweatin'... Like the famous basketball star... You know Abdul Kareem Jabar.]
I can't wait for summer! [Masusuot ko na din yong bathing suot ko! Weeee.] *Yong band aid at yong bao!*
Summer is ready for me. Question ei Am i ready for summer? HINDI! Naman i just back to my normal life last Monday. After 1 and half month of rest *Lamunation, Puyatation at Tamadation kumilos at tangalin ang mga natutulog na tabaaaa! Dahil sa katimangan sa pag-bla-blog. [Ngayon timang na timang ako kaka work-out dahil na nga sa nalalapit na tag-araw. Shempre dapat muganda ako sa summer noh!]
Endless bilaran sa tag-araw to! Habang nainom ng ice cold Kulafu! [This is it] *Todo na ito!* . There's nothing better than this!
I actually like warm weather! Just no-no-no to 80 degrees and higher!!! *Di pa man ako nakakapunta sa Imperno eh na-fil ko na kung paano sya ngarks! Alam ko na ang pakiramdam noH! Ayaw ko yan, ayaw kong parang sinisilaban ako at ayaw ko ding manuyot pleaze!*
Posted by diwata at 10:20 PM 4 comments
Saturday, March 24, 2007
Am turning 23 years old in a few days!
I was so effin' bored tha otha day... So bored that if boredom can kill ya, i would be dead! So i decided to do sumpthin' productive. Here is my to do list...
Since my budget is soooo tight i couldn't even buy a decent pen! [To be specific i like copic pens which is $5.00++ a piece. And one pen is never gonna be enough, since since i was born poor, all i can afford is a panda ball pen arg!]
So lemme translate this then.
Oh, I can't wait for SPRING
Posted by diwata at 1:00 AM 6 comments
Labels: Birthday, To do list
Tuesday, March 20, 2007
Monday, March 19, 2007
Wish List Updated!
Posted by diwata at 10:34 PM 0 comments
Labels: Disposable Camera, Wish List
Sunday, March 18, 2007
Party, Party, Party
Since i am talking about party on my last entry... My birthday is fast approaching! [Sa December! And no i am no Sagittarius! Gemini po ako!] I am turning 23 years old in a few days... Yeah 23! You got it! That's my age, not my waitsline you silly whores! he he he *Ehem pwede din.*
I was once 19, 20, 21... I wish i could turn back time and be 19 again. *An sarap kaya ng feeling ng bata ka! Mas madaming naghahangad sayo. Mas kaya mong rumachada ng kalikawt'kanan oo lagare. Mas madali mong magawa ang gusto mong gawin since bata ka, alam nyo yon mas madami kang energy, sabi nga ni Kuya Germs walang tulugan kayang-kaya yan!
Samantala ngayon hindi ko na kayang lumagare, kung lalabas man ako sa gabi once a week na lang minsan hindi pa. Di gaya dati kahit gabi-gabi ang rampage ko okay lang.
At ngayon nakain na din ako ng Viactiv. *Haay, sign ba talaga yan na mutanda na ako?*
Mukang wala ata akong Surprise Party ngayon ah. Walang nakaka-alala sa akin. Ni wala man lang nagya-yaya. *Inis na inis na nag-sa-salitype.*
Kelangan ko pa bang tawagan lahat ng relathieves at kaibigan ko para ipa-alala sa kanila na kaarawan ko? Kelangan pa ba? Diba dapat alam na nila yon? Muka kasing nalimot na ako. *Nang-ngi-ngilid nilid an luha.*
May maka-alala o wala, Y'all are invited to my PARTY! Come one... Come all.
Yes, I am gonna have a PARTY! I am gonna throw myself a PARTY that you'll never gonna forget! I know fo'sho it's gonna be the PARTY of all PARTIES! *Mamatay kayo sa inget!*
Please come to my PITY PARTY! No need to bring anything! Everything will be provided by the CELEBRATOR. [No otha than me. Wala akong paki kung may word na celebrator o wala. Kung ano man ang meaning nya. Gets nyo na yon! Wag nyo akong laitin sa sarili kong bahay! Bukod don kaarawan ko, kaya pagbigyan nyo AKO!] You don't wanna miss this out! There's gonna be alot of Whine and cheesses'es.
See yah bitches!
Posted by diwata at 8:40 PM 6 comments
Friday, March 16, 2007
It's...
It's my weekend on sa amo kong si Chuva. Pero wala sya, may lakad at hindi uuwi ng bahay. Hanggang Domingo. (Wala akong bantay, and IT'S PARTY TIME! Yeba!) Shempre kapag wala ang pusa masaya ang daga! *Halungkat sa cabinet... Okay buti na lang naiwan ko dito ang aking bulletproof vest!!! Baka may mag drive by eh...*
Diwa: Hhhhaaaaaaayyyyyyyyyyyyyyyy *Buntong hininga na talaga namang bored-na-bored!* [Looking at my cellpowns directory... Sino kayang matatawagan? Umm...] Dialing... Tameka's number... Ei! Wassup girl! Wachu doin'?
Tameka: Yo, yo, sup' homie! Haven't heard from yah for a long time.
Diwa: You kno' my ass been busy yo! Ya mean? Do yah wanna hung-out tonight? *With a gangsta accent!*
Tameka: Busee mah a$$! Whassdadillo? [ Busy my ass! What's the deal yo!?]
Diwa: Nuthin' i've said i was bored and i was thinkin' if you's wanna hung-out? You can bring your girlfriends... Monique, Kiki, Rhonda, Shaniqua, Tanzania, Mozambique, Zaire... Oh by the way... I heard your brotha was released the otha day? Is dut rite? He can come too, if he wants!
Tameka: WORD! Ahhh fo'real you was bored? Das why you called?
Diwa: Just come plueaze... You still kno' the place aight? It's SANDRA RD! I have alot of booze owkay!
Tameka: Aight... Aight... Aight... Aight! Later!
[Ganito ang gawain ko kapag wala si Chuva sa balay nya, at weekend on ko sa kanya!]
i will paint her house red!
Posted by diwata at 9:57 PM 4 comments
Thursday, March 15, 2007
Ang Lola ko
Hay nako pagod na pagod, stress na stress ang lola nyo nitong mga nakaraang araw! [Dalawa sa mga Nurse's kong costumer kung makatawad naman! Kung sino pa ang malakas kumita yon pa ang makunat!]
Kagabi halos alas 12 ng hating-gabi na ako nakauwi.
Mula sa tarbahu, dumerecho na agad ako Ospital para dalawin ang Lola ko.
Kulang-kulang mag ala siete ng nakadating ako ng Ospital. [Umaasang tapos na ang procedure nya.]
Oo tapos nang gawin ang kanang paa, at sisimulan pa lang kaliwang paa. [Eh kelangan daw may relathieves sa letcheng waiting room ng surgery chuvalei!] Nagsimula silang maggawan ng paa ng mga bandang alas tres ng hapon. *Hindi pa man din ako nakakain ng hapunan. Gutom na gutom ako. Halos maubos na barya ko sa buset na pagkamahal-mahal ng tinda ng vending machine doon.]
Buti na lang may mga kilala akong Penoy sa Lab ng Hematology. *Nakikain ako ng dinuguan at ng adobo.* [Sabi ng isang Med.Tech pupunta daw sya muna sa Morgue para kunin yong putol na paa... Nagulantang ako... Baka kako sa Lola ko iyon... Nagbalik ang Med.Tech di daw sa Lola ko yon... Nyeta! Sana kanya na lang lol]
Pumanik na ako sa kwarto kung saan sya ilalagay. [May mga isang oras pa din ako naghintay doon. Waaahhh, buti na lang may R.N. na cute dahil kung hindi mag-aamok na talaga ako.]
Takang-taka lang ako kung bakit napaka tagal ng kanyang procedure... [Sana isinama na yong dila at bibig... Sana naisipan nilang iklian yong dila at tahiin ng mabuti yong bibig... He he he... Don't get me wrong, I love my lola to death! As in... Gusto ko syang patayin! LOL.]
Nakita ko na Lola ko sa wakas. *Okay naman siguro ang operasyon. Nahinga pa sya eh. Groggy nga lang.* Binati ko... Nagbigay galang ako... Pero hilo eh... Sabi sya ng sabi ng heavy na animo naghihingalo sa pagbangit ng mga katagang ito habang di maipinta ang muka nya. Sana lagi syang ganito, ganito katahimik *Inasar-asar ko na nga since alam kong hindi sya makakaalma... LOLA HI... IT'S A BOY! AKIN ANG BATIK HA! [Natawa ako sa loob ko. Meron kasi syang blooper na biglang nag Flash sa utak ko... I WILL COLAPSE! Mga 2 years ago, naoperahan din sya noon sa sakit walang masabi kung di i will colapse sa Doktor.]
Malakas pa ang Lola ko. Yon nga lang hirap na maglakad. Malakas sya! Malakas pa ang bibig sa pag talak. He he he...
Posted by diwata at 8:52 PM 0 comments
Monday, March 12, 2007
One glance... (Last nite)
I believe it can happen. It's that moment when your breath is taken away. It's the beginning, and sometimes, it is also the end. *H-ha-haa-aaaaayyy* [A verryyy looonngg sigh...]
Last night... I was DUI [Dialing Under the Influence]
I called Kori...
Diwa: Do you believe in reincarnation?
Kori: You mean past lives?
Diwa: Yeah! You know when you've just met someone and for some reasons you just kind of clicked? I think i have known you before! I just have to remember when and where... [Silently Thinkin'.] *After i met you i suddenly realized that i am whole.*
Kori: Listening...
Diwa: Do you believe in love at first sight?
Kori: Yeah, well it saves time!
Diwa: No! For real? That you could meet someone... Or just somebody i dunno from the park, and with that one glance you could look in their eyes and see their soul. Do you believe that could happen?
Kori: No! Absolutely not. And you?
Diwa: No. Me neither!
Later f*kers!
*Pati sa panaginop tablado ako!*
Posted by diwata at 8:57 PM 6 comments
Sunday, March 11, 2007
What happend to me yesterday.
Tapos na ang maliligayang araw ko. Balik na ulit sa tarbahu. *DABOG&%%#@%%OBLAG^%^#$@$%
Naisipan kong yayain si Doreen mag-lunch kahapon after work sa Ciudad. At shempre sya ang taya. Tutal Ritz naman sya eh. Madalas nag rereklamo na yang si Doreen kakapakain sa akin.
Kung may kanang-kamay na tinatawag... Ako siguro ang kanang pisngi... Kanang pisngi ng (pekpek) nya.
[Mga scenario namin]
Nong isang araw... Nag-ring ang phone... Bandang 9:45am
Doreen: Asan ka na? Gusto mo ba ng kape? *Aktuali araw-araw ganyan sya.*
Diwa: Sige. Salamat!
[Nasa tarbahu na]
Doreen: Eto nang kape mo! Mag-iinit ako ng pandesal gusto mo ba?
Diwa: Sige. Salamat!
Natapos nang mainit ang pandesal...
Doreen: Eto nang pandesal mo Senyora! May taga-init kapa! *Pa-taray na sabi nya.*
Diwa: Sige. Salamat! *May bisita ata sya ngayon? After 10 years dinantnan na? Ha ha ha*
Kinabukasan same scenario na naman kami.
Blahblahblahblahblah...
Doreen: Gusto mo ba ng tinapay? Magiinit kasi ako eh.
Diwa: Di bale na lang! Baka sabihin mo na-naman eh inaalipin kita! *Pa konsensyang tono.*
Doreen: Eh kasi magiinit din ako, para isang initan na lang! *Pa-taray na naman nyang sabo.*
Diwa: *Dedma... Pasok sa kanan.. Labas sa kaliwa.*
Biruin nyo. Breakfast libre. Lunch libre. Dinner libre. Yan ang buhay namin ni Doreen. Kaya pag na-ngayayat ako, ibig sabihin non eh war kami ni Doreen.
Matagal nang pinipilit ni Chuva na besfrens daw kami nyang si Doreen. Ako naman panay hindi noh! Kasi kung besfrens kami, eh di sana alam nya mga pinag-GAGA-gawa ko?
Pero naisip-isip ko hmmm... Oo besfrens nga kami.
Ang sikret...
Doreen: May pwet na ba ako sa suot ko?
Diwa: Naman! Tinatanong pa ba yon? Bootylicius ka no! *Tulo laway habang nakatingin sa kanya... Na naikot pa ang mata na kala mo na u-ulol.*
Doreen: Muganda ba ko?
Diwa: Ganda mo! Muhal kita! Kain tayo!
Habang nakain kami pinaalala ni Doreen na mulapit na kaarawan ko. Sa Disyembre. *(^%^&#$%@$%*
Doreen: Saan tayo sa buday mo?
Diwa: Ewan ko. Wa ako angielu! Sa balay lang ako magmumokmok. *Pa-awa kong sabi sa kanya.* Sana pala sa Penang na lang tayo kumain ngayon. Sawa na ako sa Pho eh. *Pa reklamo kong sabi.*
Doreen: Labas tayo! Libre kita sa Penang. *Na-awang sabi nya.*
Diwa: TALAGA? I Lab U! Pwede magsama? Isa lang naman sasama ko eh. *Eksayted*
Doreen: Di ka makapal! Ipapakilala mo na sa akin Kasintahan mo?
Diwa: *Dedma lang ako sa tanong na kasintahan.* Ganda ng suot mo ngayon. Blue-ming ka. Mukang magka sing edad lang tayo! Isa lang sasama ko! Isang dosena! *Natatawang sabi ko sa kanya.*
Natapos na kaming kumain... Naghiwalay na kami ng landas... Lumakad sya ng kanya... Lumakad ako ng akin. *Alangan naman isama ko sya sa mga pag-GAGA-gawin ko?*
Noong kasi ang gawain ko bago ako ma hook sa photography, eh nag gra-graffiti ako! *Alangan naman isama ko sya jan? Sa bagal nyang tumakbo no! Baka sya pa ang dahilan para ma Julie Vega kami.*
Naranasan ko na ding madakip ng pulis sa gawaing kong yan. Pero since may charm ako. Hindi pa naman ako nakukulong. Ang chika ko sa lespu eh... * Am just a confused art student.* And it works! [Di ko kayo hinihimok gawin yan okay!]
Masakit pa ang mga hita at mga binti ko... Pero since mainit nasa 50's F something kaya ang panahon kahapon! Sinamatala ko ang panahon. Naisip ko baka nasa labas sila ngayon. Yong mga kagaya ni Barry.
Di naman ako nabigo. Nakakita ako ng isa. *Nyeta bawat lakad ko, isa-isa lang nakukuhaan ko ngarl!*
Ang style nag-pa-charming ako [Inilabas ang isang kahang sigarilyo, nagsindi ako. Hinit-hit ko na anino sarap na sarap ako sa ginagawa ko na kala mo eh 10 years akong hindi naka sigarilo!]
Di talaga ako naninigarilyo. Di ako marunong. Hit-hit buga lang ako. Pa-sosyal kasi ako eh. *Sabi nga sa akin ng isang kaibigan... Sinasayang mo lang pera mo! Hit-hit buga ka naman eh.* Kala ko kasi hit-hit lang sabay lalabas mo din usok. Di pala ganun. kelangan daw ipasok sya sa baga? Yon ang di ko matutunan! *Eh isaksak ko na lang kaya sa baga ko ang sigarilyo?*
Staka ko na i-post ang pix ni John dito. Mag-iipon muna ako. At Kwento ko din kung paano kami nagkakilala ni Doreen. Okay.
Lumabas ako kagabi... Nagliwaliw... Lumaklak sa club... Courtesy of Chuva. [Pansin nyo? Buhay ako sa Liberty?] Ang formula lagi kong dala.
Crush ko si Ms. Faye noon pa man. Muganda sya. Seksi. Malaki boobay. *Nahawakan ko nga kagabi eh. Pero nahihiya ako. Desente kasi ako! Sana nilaponga ko! SAYANG! Sabay snap ng fingers.*
Kaibigan sya ng kaibigan ng kaibigan ng kaibigan ko. *Sa makatuwid madalas ko syang makita sa mga inuman at kung anik-anik na chuvalei na sosyalan.*
May pagka teaser sya, inaakit nya ako, sinayawan nya ako na kala mo eh lap-dancer. Pero di ako nagpa-apekto. *Sabi ko sa kanya tama na... Am having a hard-on!* Sa tagalog tinitigasan na ako... O, wag kayong mag-isip ng masama! Tinitigasan na ako ng kamao at baka masuntok ko na sya.
Diwa: Muganda si Faye no?
Chuva: Naman! Palaman!
Diwa: Pwede kaya syang modello? *Muganda kasi mag dala ng damit si Faye at laging postura!*
Make up at buhok laging ayos. Yan ang gusto ko sa babae di loshyang!
Chuva: Oo Tanungin mo! Okay yan sa black and white.
Sabay...
Diwa: Hi Faye! How are you? *Sabay beso sa lips ha ha ha...*
Faye: Hi! How you?
Diwa: Good! I was wonderin' if you would like to model for me?
Faye: Sure! Actually, I was looking for a photographer! *Hindi sya nag sekantots*
Diwa: For what?
Faye: For my porfolio!
Diwa: Okay. Then hire me! *Kinuha ang number ni Faye at viola!*
O diba mag-gamitan kami! Pero ang tanong ko sa sarili ko... Pumayag kaya sya na gawin ang mga pa-GAGA-wa ko? Ang itulak sya sa hagdan at kunan ang reaksyon nya sa pagka-hulog nya? *Ha ha ha ha ha... [Malakas na halakhak]
May mga nagsasabi sa akin na bakit hindi ako mag litrato ng mga babaeng nakahubad? Hmm bakit nga ba? Masasabi ko lang dito. Eh takot ako. Baka kung ano pa ang mangyare... Alam nyo naman ang relasyon ng modello sa o sige na nga artits, diba? Eh disente ako noh!
Wala naman sigurong masama diba? Sa tanda kong to... Inurungan na ako't lahat-lahat... Wala na akong nararamdamang (&%^%#$#@#%^&.
Baka nga sign na yan ng aking bagong tema... Si Faye... Abangan...
Posted by diwata at 3:01 PM 9 comments
Friday, March 9, 2007
My Day Off (Friday.Day2)
Today's the last day of my day off! I wish there's a day 3, day 4, day 5, day 6, day 7... Lahat na ng day! Wala nang pasok-pasukan! *He he he... Ganun talaga, tsk something good has to end... Back to reality na-naman ako bukas.*
I told myself i need to do something more productive compared to Day 1 noh!
So i set an appointment with my favorite barbero, kasi naman ang buhok ko parang buhok na ng mangkukulam sa haba.
Tinawagan ko si Chuva at si Speak para i-meet ako for lunch ng makalibre naman ako *Shempre diba. Talagang itinaon kong lunch break nila. Di ko nakakalimutan ang formula ritz=bespren. Purihin kita giblab mo ko. Mga turo ng Inang Reyna.*
Sinuyod ko ata ang Ciudad ng Center City-- Biruin nyo, Nasa 6th and Market na ako, napunta pa ako ng 10th and Market para kumuha ng atik sa ATM [Gumana na naman ang pagka Ekonomista ko. Aba $3.00 din matitipid ko doon no! Kahit suyurin ko ang buong ke-Menila-an hindi ako makakapulot ng $3.00! Take note bitbit ko ang tila isang toneladang bag ko!] Nang makakuha na ako ng atik, balik na naman sa 6th and Market para kitain ang mga bruhang sila Chuva at Speak! *For safety lang yong wi-nid-draw ko. Ayaw ko naman ng nakakatunga-nga lang ako sa kanila habang nakain sila kung hindi nila ako ililibre.*
Nakaraos na tanghalian ko. Late na ako sa appointment ko. Bumalik na naman ako... sa 9th and Market *Buset na buhay to o! Pero hindi pa din ako makapag decide kung anong gagawin ko after ng gupitan.*
Natapos na ang gupitan party. Nagugulumihanan ako kung saan na ako pa-pad-pad nito... Kung mag Flower Show ako o Museum. *Pareho kasing may bayad eh. Kung libre hindi ko na kelangan pagisipan yon! Haaayyy. [Malakas na malakas na malakas na buntong hininga!]
Bahala na kung saan ako dalahin ng mga paa ko. Naglakad-lakad ako. Hanggang sa dulo ng walang hanggan...
Eto ang kweba ng City Hall. Matagal-tagal na din akong hindi napad-pad sa lugar na ito. Noon kasi halos araw-araw andine ako. Tarbahu ko kasi noon errand girl/taga langhap ng mga alikabok sa Ciudad. So lakad dito, lakad doon dramuh ko noon.
Nagsawa na ako sa City Hall. Kaya lumipat naman ako sa kabilang kalsada. Na may malalaking dominoes, mga alagad sa chess. *Di ko na kinunan yon kasi mukang walang kwenta mga tao doon eh.*
Ayan ang ibidinsya. malaking plantsa. Natuwa ako doon sa mga bata kaya kinunan ko. *Sayang across pa pala nitong street na to may malaking sipit. Oo sipit, nakalimutan kong kunan. *Kamut-kamut ulo.*
Hindi pa din ako napagod naglakad-lakad pa ako further down the street. *Dala pa din ang isang toneladang bigat ng bag ko.*
Ayan ang Love Park during Winter. Balak ko sana pumunta sa Rittenhouse Park ang paborito ko, kaya lang wala sya sa family way.
Mapapalayo ako! *At saka baka may makita na naman ako doon eh. Wag na lang. Umiiwas na nga ako eh.*
Hala sige lakad lang. kahit na muka na akong transient sa ichura ko dahil sa bit-bit kong bag. *Rawr!*
Muganda ang Fountain na ito lalo na pag Summer. Mudaming tao, matanda at lalo na mga bata na nagtatampisaw. *Makiki-hugas sana ako ng kamay, kaya ako pumunta dito. Eh sarado pala pag Winter ang tubig. Kaines!*
Yan si Barry. Jan ko sya natagpuan sa Fountain.
Tila kakatapus lang ata nya kumain. Masuerte ako at mubait si Barry. Hindi sya nagdalawang isip na magpa kuha ng litrato sa akin. Mukang sanay na sanay sya. *Yan ang mga gusto ko! Wa kieme! Pag sinabing just be yourself. Be yourself, lang ang mokong o diva!* [Okay Barry just be yourself! Don't think am here. Just do what your doing okay!]
Nagusap pa kami ni Barry. Tinanong ko sya kung ilang taon na syang homeless at anong ginagawa nya noon bago sya maging ganito.
Diwa: So, Barry how long have you been living like this?
Barry: For almost five years now.
Diwa: Whoa, That is quiet a long time now.
Barry: What can i do? I was disowned by my son.
Diwa: *Di ko na inusisa kung bakit, di pa naman kami close eh.* What were you doing before you became like this?
Barry: I was a Vietnam Veteran. See i lost my leg from that freakin war!)(&&%%##@
Diwa: Ah okay. Am sorry.
Ang kapalit ng litrato eh isang sigarilyo at .50 cents *Not bad!* Yan ang hiningi nya eh! [Wag nyo akong paparatangan na makunat ako. Yan ang hiningi nya so ibigay ang hilig! Madali akong kausap no!]
Interesado ako sa mga kagaya ni Barry. Gusto kong alamin ang istorya nilang lahat. Kung bakit sila naging ganyan.
Na-late nga ako eh. Di ko na naabutan ang mga kagaya ni Barry sa soup kitchen na malapit kung saan kami nagkakilala. *E di sana mas maganda ang entry ko ngayon! Sabay snap ng fingers!*
Nagpaalam na ako kay Barry. Binigyan ko pa sya ng ilang sigarilyo at $5.00! *Sabi ko magkikita kami ulit baka sa susunod na bwan. At sabi ko sa kanya sana makabili na sya ng bagong damit sa ibinigay kong pera.*
Di pa natapos jan ang aking trekking! Walan-jo! Hindi nga ako nag work-out ng isang bwan. Pero sa ginawa ko kanina. Para akong umakyat panaog sa Mt. Everest! Ngarl!!!
Di ako sumuko...
Pumunta ako sa Art Museum. Tambay lang. Pahinga. Baka sakaling makakita ako ng hinahanap ko. *Hindi si Kori ha! Wag nyo akong pangunahan!*
*Buntong hininga... Hingal-hingal lintak na mga hagdan to... Para akong aatakehin sa puso sa pag-akyat dito. Parang hagdan sa Grotto sa Baguio! Nak ng pating!*
Wala akong nakita... Eto lang mamang to.
Ano kaya ang sinisipat-sipat nya doon? *Tingin din ako sa lente ko sa dereksyon, kung saan sya nakatingin. Nyeta unu-ulol ako nitong mamang to! Wala naman masisipat doon eh.*
Espiya ata ito eh. Dectective. Sinisipat ata ang bintana ng Sheraton. Kung saan naka check-in yong magkalaguyong pinasusundan sa kanya.
Am on top of the World! *Feeling ko mala Titanic ako sa tuktpk ng Museum.*
Nakita nyo ba yan? Yan si George Washington tapos yong isang nasa malayo, yon si Ben Franklin ang City Hall! *Na-i-imagine nyo ba ang nilakad ko? Kung gaano kalayo? Dala ang isang toneladang bag ko?*
Andito pa din ako sa taas. Ayaw ko na bumaba. Masarap pala ang nasa itaas... He he he...
Yan si Kathleen at si Rick. Jan ko lang din nakilala yang dalawang yan kanina. Mabait din yang dalawang yan. At napapayag kong mag pag litrato.
Ang unang tanong sa akin ni Rick... Filipino or Korean? Aba eh di Penoy. Sabay sya din pala. Nag kwentuhan pa kamo kami.
Ang kapalit ng litrato nila? I-vi-nedeo ko sila.
Kaya lang may katangahan sa pag video ko. Na video boses ko at conversations namin! *Ahahaha...*
Punyeta nga eh. Naalala ko. Ako ang ini-enterview. Ano ba yon! Diba dapat ako. Syet na malagkit... Nagkadikit-dikit.
Ayan pauwi na ako. Nakikita nyo ba tong mahabang daan na to? Yan ang babay-bayin ko ulit! Waaahhhh... Inay asan ka ba? Asan ka ba ng kailangan kita?
Nag dilang angel ata ako. Kasi biglang tumawag si Inang! Kala ko alam nya na nasa Ciudad ako at makiki-chika.
Reyn: Oy Diwa, Asan ka?
Diwa: Andito sa Ciudad.
Reyn: May itatanong sana ako sayo eh. Yosi tayo.
Diwa: Wala ako sa tarbahu. Off ako ngayon. Tara yosi tayo! Saan ka pupuntahan kita!
Reyn: Nasa 21st and chestnut ako. Sa Tarbahu ko.
Diwa: Ay tamang-tama nasa 21st na ako! Give me 5 mins. Anjan na ako. *Yan naman ang gusto ko eh. Libre na lunch. Llibre pa ang meryenda! He he he* [Ritz=Bespren Formula! Todo na itoh.]
Makaraan ang limang minuto.
Diwa: Reyn Andito na ako! Asan ka?
Reyn: Give me 10 mins. *Mukang busy at may kausap ata sa harap nya.*
Antagal kong nagantay... Lintak na 10 mins yan o. Nasa kanto lang ako nakatayo. *Sabi nya kasi 21st and Chestnut eh.* Inaaliaw ang sarili ko...
Nang makita ko ito... Hmpt! I wonder how much is a bottom. Yon agad ang nasagot ko sa isip ko.
*Ngak-ngak-ngak*
Nakaraan na ang ilang minuto. Ayan si Reyn natawag na.
Reyn: Asan ka?
Diwa: Abay nasa 21st and Chestnut po ako. Sabi mo dito diba? Asa kanto ako.
Reyn: Di jan. Pumunta ka dito sa 20th and Chestnut! Ayan nakikita na ata kita!
Diwa: O sige bye. Nakita na din kita.
Walanghiyang Reyn ito nililigaw pa ako! Ayaw pa sabihin kung saan sya. Hindi ko naman sya ki-kid-napin!
I was so beat! *Pagod na pagod ako, pudpod na sapatos ko. May kalyo na bawat dariri sa paa ko. But i think everthing was worth it! Haayy...
***Please watch out for my upcoming speacials.***
About :
Reyna Elena!!!
San Franciso (Mission Street and Civic Center)
Los Angeles (East L.A.)
I still have to get an approval with my Agent on my San Francisco and Los Angeles plans. We still have to talk to our sponsors.
Yong kay Reyn kahit sa isang linggo pwede na yan eh he he he...
Posted by diwata at 8:40 PM 21 comments
Labels: Center City
Thursday, March 8, 2007
My Day Off (Thursday. Day 1)
Plano kong magtulog maghapon, sa kadahilanang gusto kong makabawi sa mga puyat na ginagawa ko.
Tinanghali na ako ng gising. Nagising lang ako dahil sa ki-ri-ring ng telepano *Tawag mula sa Kalipornya. Mula sa isang kaibigan na gustong makipag-chismisan!* 6:45am ako nagising to be exact! *... Lintek na tawag yan o mula sa West Coast. I wonder kung natutulog pa sya?*
Diwa: He-he-he-lloo *Antok na antok na sagot sa telepano*
Bruhang taga Kalipornya: Kamusta ka na? Miss na kita! *Excited na sabi nya*
Diwa: Ahh [Hikab... A-aa-no? Buntong hininga]... Ookay lang ako, I guess *Antok na antok kong sagot!*
Bruhang taga kalipornya: May MySpace ka ba? O Friendster? May jowa ka ba ngayon?
Diwa: Medyo naloka ako sa tanong nya ha *Gusto kong sabihin na ARE YOU ON SOMETHING????? KITA MONG TULOG PA AKO EH!* Hindi na lang ako sumagot kasi talagang antok na antok ang lola nyo! Hanggang sa sya mismo ang makapansin na akoy hinbing na himbing pa sa pagkakatulog ko, at kusa na din syang nagpaalam.
Hindi na ako nakatulog. Hindi na ako makagawa ng tulog ulit. Wala na yong antok moment ko. Tinawagan ko sya after 5 mins at minura!
Since maaga ako nagising para yatang feel kong pumunta sa NY o sa DC [Sa Philippine Consulate, at doon gawin ang pagdedemanda, marcha at hunger strike ko sa pag sibak sa aking addcents!]... Pero malamig pa din kanina nasa 30's F ang temperature sa labas... Baka pulmonyahin lang ako... *Nawala na nga ang addcents ko at eto't haghahanap pa ako ng sakit ng katawan.*
Sa makatuwid, naglinis na lang ako ng bahay at inaruga ang anak. [Ano ngayon kung ako'y isang lesbian mom?] *Naman kung sinu-sinong bahay ang linilinisan ako at anak ng kung sino-sino inaaruga ko. Ako naman ngayon, sabi ko sa aking sarili!*
***IMAGE HAS BEEN DELETED***
Ekkk... Nakikita nyo ba yan??? Mga basura ko yan. Laman ng aking closet. Karumaldumal! Ewan ko ba... Lahat na ata ng basura nasa aking aparador na... Mga basura ko pa yan simula pa ng dumating ako dito sa Hamerika! Mga basura ko sa Pinas hindi ko pa din itinapon instead dinala ko pa sila dito. *Mana ata ako sa Lola ko sa side ng Nanay ko. Yong Italyanang-Hudyo na yon dami din nong basura eh... Imagine she has Rye bread in her freezer from 1985!!! Feeling nya kasi panahon pa ng Genocide, Potato and Bread Famine.* Haayy...
Mabalik tayo sa aking basura... Name it! Basyo ng bote ng kung anik anik na perfume na naman wala ng laman pero bakit hindi pa din itapon?
DVD ng mga kung sinong Chekwa na hindi ko naman kilala at naiintindihan ang wikang Mandarin pero anjan sa aking closet naka tago!
Mga coupon sa grocery na expired na naman pero tinatago ko pa din. [Lintek na buhay to o.]
Mga pichuraka at sulat ng mga babae ko na lipas na din pero anjan pa din nakatago pa din. *Naalala ko pa tuloy yong mga buset na yon! HmpT*
Metro card na wala namang laman. Libro na hindi ko naman maintindihan ang point.
Mga recibo.
Rim ng Marlboro Lights? Na anjan lang nagaantay na hit-hitin ko sya. [Hindi ako naninigarilyo ng lights... Hope at Phillip Morris lang ang pinapatulan ko.]
Ekkk may screw-driver pa... Screw me!
Ang mga naunang project ko mga drawing sa canvas at cross-stitch noon 19kupong kupong pa na nagaatabay sa akin kung kelan ko sya gagawin ulit. *Hayyy naku hindi ko na nakunan pa ang iba hindi na kasi kasya eh. *Aktwali, kaya ko naisipan mag-linis ng aparador kasi may hinahanap ako... Yong pamana sa akin ng Nanay ko na mga sinulid pang cross-stitch... Hindi ko tatapusin ang project kong cross-stitch trip ko lang hanapin ang mga bulto-bultong napamanahan ko sa yumao kong Ina. Hanggan sa na OC-OC na ako kanina sa paglinis... Ang saya-saya ng aking DAY-OFF!*
Nga pala while lukring na lukring ako sa mga basura itech... Tumawag si Doreen ang mayordoma sa pinagtatarbahuhan ko... Idol ko yang si Doreen... Sabi ko sa sarili ko pagtanda ko gusto kong maging si Doreen... Presentable. Maganda muka at katawan. Hindi halata ang ichura nya sa edad nya. Naka 325 . Dami anda. Pa-byahe-byahe kung saan-saan Europa, Pinas, Hamerika, Tibet, Zaire, Uganda, Mozambique, Iraq... Di lang yan. Halos lahat na ata ng may Republic at tan na word na Bansa eh napuntahan nyang si Doreen... Dominican Republic, Republic of China, Congo Republic isama na din natin ang Banana Republic! Uzbekistan, Tajikistan at Afganistan! *Whoa hinigal ako doon ah*
Doreen: Hello Diwa! Nasaan ka? Anong ginagawa mo? Ano naghilata ka na naman maghapon? Di ka lumabas at nagpasikat sa arawan? Sa loob ka lang ng bahay maghapon? Alam mo ba? *Takot na tono sa kanyang boses! Nang itanong sa akin ang huling tanong na alam mo ba?*
Diwa: TEKA-- Hinga ka muna! *Abot tubig he he he ay nasa telepano pala kami.* A-ano. Anong alam ko na ba? [Naman kasi eh dere-derecho ka magsalita eh nirarat-rat mo ako ng mga tanong agad eh! At hindi ako magsasaka para tumambay sa arawan... Ke lamig lamig noh! Ano na naman kayang kabalbalan ang nagawa ko at tumawag to... Nakabasag ba ako? Di ko na nalinis ang bathtub ng amo namin? *Kabado na ako*
Doreen: May mga parak dito simula pa kaninang umaga! Sampu sila! May mga dalang armalite. At may nakasulat pang S-W-A-T o Narcotics Dept., sa shirts nila! Naka Mega-Phone pa sila. Hinarangan ang grahe natin ng mga sasakyan nila! Hindi tuloy makapasok mga tao dito ngayon! Nakatambay sila ngayon sa Pantry habang patay ang ilaw! *Totoong nangyare to kanina, hindi ko kayo inuulol!*
Diwa: Ba-ba-baket? *Wala akong natatandaang nagtanim ako ng Coca at Mary Jane sa hardin namin!* [Nauutal-utal kong tanung sa kanya.] *Kabado ako. Wala naman din akong natatandaan na may mi-no-lestya ko sa inyternet! Di kaya dahil sa paratang na invalid kliks sa akin ng googal? Tanong ko sa loob ko. Naku patay ako sa amo ko. Buko ako na naga blogging ako sa tarbahu*
Doreen: May kapit bahay ata tayong durugista dito eh! *Ayan ayan nagtatakbuhan nanaman sila sa labas... Takot na sabi ni Doreen... Kasi may lumabas na sa pinto sa kapit-bahay, kinapkapan ang babae... Pinalalabas ang lalake sa loob ng bahay at pinasusuko na! Habang sumisigaw daw ang mga lespu sa megaphone nila.*
Diwa: *Hingga maluwag haaayy! Kala ko pa naman kukumpiskahin na nila PC ko sa tarbahu! LOL.*
Kala ko pa naman itong lugar natin sa SNJ ang da best? Ke mahal mahal ng taxes na binabayaran natin sabay drug-addict infested pala dito??? *Chika ko ke Doreen*
After kong makunsumi sa mga basura eto ako...
*Alam ko... Alam ko! Yong knuckles ko... Hindi po ako construction worker! Labandera... Old skool ako eh... I hate technology... Kaya may i laba using Camay!*
Posted by diwata at 7:07 PM 15 comments
Labels: Day Off
Wednesday, March 7, 2007
Ang mga pangarap ko unti-unting...
Posted by diwata at 9:11 PM 4 comments
Monday, March 5, 2007
Gamble Machine
Oo totoo mahilig ako sa matamis. Katunayan nyan i heb a swit toot! Lahat ng matamis paborito ko! [matamis na bao, icing, ulitmo asukal na pula pinupulutan ko kapag walang wala na talaga.]
Ewan ko ba kung anong hanging pumasok sa utak ko at napabili ako ng linchak na Gumball Machine na to!
[siguro dahil na din sa nakaka aliw na samut-saring kulay nito.]
Sabi ko nga sa sarili ko pwede naman yong nasa pakete na lang eh... Pero hindi ko talaga maintindihan bakit ako wiling wili sa ichura nya.
Giliw na giliw ako sa plebor na Pink Lemonade. Pero tila kaunti lang ang Pink Lemonade sa loob ng machine.
Sa twing maghuhulog ako ng barya. Inaasam ko syang makuha. Mukang may balat ata ako sa pwet. Malas mauubos na ang barya ko na halos humigit kumulang sa limang dolyar eh di ko pa din nakukuha ang plebor na yon. *Masakit na ang panga ko sa pagnguya pero wiz ko tatantanan hangat makuha ko ang gusto kong plebor! Asar na asar habang nagsasalaysay ng kwentong Gamble Machine.*
Lagi kong nakukuha sa lintek na machine na to yong Mellow Yellow... Luscious Orange... Flamming Red... Sour Green... At yong pinaka-ayaw kong Black Berri Chuvalei. *Malapit nang maubos ang pasenya ko.*
Wala na akong pera panghulog sa bwaka-na-bitch na gamble machine na to!
Napilitan akong buksan ang garapon... Sa pagaasam sa Lintek na Pink Lemonade na yan!
Inisa-isa ko...
Kulang na lang bilangin ko ang nasa loob ng garapon.
Ang hinahanap kong plebor... Naubos na... Wala na... Nada...
Posted by diwata at 10:01 PM 9 comments
Labels: Analogy, Gamble Machine
He Ain't Heavy
The road is long with many a winding turn
That leads us to who knows where, who knows when
But I'm strong--strong enough to carry him
He ain't heavy, he's my brother
Posted by diwata at 1:15 PM 2 comments
Labels: Elephants
Sunday, March 4, 2007
Nothing But...Trouble???
Posted by diwata at 12:53 AM 3 comments